Chapter 71

414 9 0
                                    

Crisha's PoV

Kanina ko pa tinatawagan si Lex pero hindi nya sinasagot. Geez, ano na naman kaya ang ginagawa ng isang iyon.  Wala sa bukabularyo ng babaeng yun ang salitang gala kaya imposible namang mag gala ang isang 'yon. At kung mag gagala si Lex ay tinatawagan nya ako para samahan sya o kaya ang kuya nyang si Eron. Ibinato ko ang cellphone ko sa gilid nang hindi nya sagutin ang huling tawag ko. That's the 50th times! Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni Lex? Sigurado akong kalokohan na naman.

Bumaba muna ako saglit para uminom. Hindi naman kami kagaya nina Lex na ibinibigay sa kanya sa isang pitik lang ng daliri. Iba sya iba ako. Hindi kasi kami kasing yaman nya. Kung gugustuhin nga ni Lex na magpagawa ng bahay at doon na lang tumira ay gagawin nya. Pero hindi naman ganoon si Lex. Kasi alam kong ayaw nyang maranasang mag isang muli. Nang makarating ako sa salas ay nakita ko ang malaking portrait na nasa gitna ng living room.

Larawan ng isang babae at lalaki. Mas matanda ng dalawang taon ang lalaki sa babae. Sa itsura palang ay malalaman mo na sobrang close ng dalawa dahil sa pagkakahawak ng lalaki doon sa babae. Sa larawan mukhang yun ang pinaka magandang araw na nang nangyari sa dalawa.

Napailing na lang ako at dumeretso sa kusina. Binuksan ko ang ref para maghanap ng maiinom. I decided to take the orange dahil mas gusto ko ang lasa nun.

"Are you serious?! Kailan pa?"

Iinom na sana ako ng marinig ang boses ni daddy. Mukhang may kausap sya sa phone. Wala naman sa akin kung may kausap sya na kung sino, but I became curious sa kung ano ang pinag uusapan nila.

"I don't want to keep my hopes up. But I hope its true this time. I'll be arranging my flight there to see it personally."

Ano bang pinag uusapan nila? Is it about business? Kung ano naman iyon, wala naman iyong kinalaman sa akin.

Inubos ko na ang iniinom ko at isinarado ang ref. But before I could left, I heard my name spoken by daddy.

"Crisha? I don't know. But its not the right time. I don't want to happen the things she experienced the last time."

"Yes, I'm going there alone.... Then I'll see you there."

Wala na akong narinig matapos ang katagang iyon. What does he mean? Wala akong naintindihan sa mga sinabi nya.

Buffled, I went upstairs to my room. Pagkasarado ko ng pinto ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bandang paanan ng kama.

Shocks! Tumatawag si Lex!

Ini-swipe ko agad ang screen at sinagot ang tawag.

"What took you so long?" Kahit hindi ko sya kaharap habang nag uusap alam kong nakakunot ang kanyang noo. Si Lex ang klase ng tao na hindi makapag intay. Napaismid ako at himiga sa aking higaan.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon