Chapter 47

418 11 0
                                    

Lex's PoV

"Bakit ang tagal nyo? Tapos na ang laro ni Ellan." Tanong ni kuya. Umupo ako sa aking kinauupuan at ipinatong ang aking paa sa likod ng upuang nasa unahan ko. Tapos na pala ang laro? Kaya pala andito na si Ellan at nakikipag kulitan sa kanila. Mga abnormal talaga kapag nagkakasama, kasama pa si Kuya edi sabog sa ka-abnormalan. "So close na kayo nyan?" Tanong ni Crisha at tumabi kay kuya. Napanggigitnaan kasi namin si kuya. "Well, kailangan kong makikila ang bawat kaibigan nang pinaka mamahal kong Baby." Sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko. Narinig kong bumungisngis yung apat.

"Baby pala ah." Asar nung tatlo sakin samantalang si Crisha ay nakangisi sakin. Siniko ko si Kuya sa tagiliran na napansin naman ni Seath kaya tinawanan nila ako. "Baby talaga namin yan. Nag iisang babae kasi. Sobrang spoiled pa lalong lalo na sa aming tatlo."

"Naku Lex! Hindi mo sinabi na kapatid mo pala ay kasama sa Star Section. At hindi lang yun! Si Lanz Eron Xyd Castillejo pa! My Gosh ang swerte mo!" Hinampas pa ako sa braso ni Ellan. Hindi naman masyadong masakit dahil nakaharang si Seath dahil katabi ko, kaya hindi gaano malakas ang pagkakahampas. "Ayaw kasi ipasabi ni Baby. Mas gusto nyang hindi sabihin."

"Adik ka rin Lex. Kung alam lang nila kung sino ka edi sana igagalang ka nila." Sabi ni Phiel. Nag agree naman yung apat sa kanila.

"I'm very confuse ate Lex, why do you have to hide your identity? You will be high respected when they know who you are. Alam ba ni Tito Liab ang ginagawa sayo nina kuya?" Tanong sakin ni Seath. Hindi ko napigilang kurutin sya sa pisngi at iharap sakin. Pffft... This kid.

"You know why kid?" Umiling naman sya kahit kurot kurot ko ang pisngi nya. "Because if I told them who am I, then there's no fun anymore." All of them give me a curious look. Even kuya. "Ayaw kong sabihin dahil kapag sinabi ko hindi ko na mapagti-tripan ang dalawang grupo na yun. Oh wait, tatlo na pala. What I mean is, kapag sinabi ko baka matakot sila sakin at hindi na nila ako mapag tripan. I want some thrill in my high school life. At hindi yun mangyayari kung may restriction. Alam nyo kung gaano kaimpluwensya ang pamilya ko."

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now