Chapter 34

480 12 1
                                    

Eron's PoV

Nag inat ako dahil ngalay na ang aking likod sa pagtulog. Lumingon ako sa backseat at nakitang tulog ang dalawa. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansing malapit na kami.

"Lex... Crisha... Gising na malapit na tayo."

Napakurap-kurap pa si Crisha ng magising sya pero si Lex ay tulog pa din. Ano ba naman ang isang 'to, ang hirap talagang gisingin.

"Katutulog lang po ni Young Mistress, Young Master Eron." Sabi ni Talios na tuloy pa rin sa pagda-drive. Tumango tango na lang ako.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang malaking bahay. Pinagbuksan kami ng guard ng gate kaya ipinasok ni Talios ang sasakyan sa loob. Ipinasok nya ito sa loob ng gareha. Nasa garahe pa lang kami ay nakaabang na agad samin ang isang lalaki. Lumapit ito samin nung pinatay ni Talios ang makina.

"Eron!!! Binatang binata na ah. Mana ka talaga sa Tito mong gwapo." Nagbro fist kami at tinap nya balikat ko. Hahaha... Kahit sa ganitong edad akala mo teenager eh.

"Syempre naman Tito! Ako pa?!"

"Oh? Asan na si Eazhel? Kasama mo ba?" Tumingin sya sa direksyon ng sasakyan. Lumabas si Crisha at lumapit kay Tito at nakipag beso. "Oh? Kaye! Kasama ka pala?! Nagulat ako dun ah. Akalain mong may itatangkad kapa." Napatawa ako sa sinabi ni Tito. Kasi naman, nung bata silang dalawa ni Lex hanggang balikat lang sya pero magkaedad silang dalawa. Maliit kasi noon si Crisha, nitong nag high school lang talaga yan tumangkad. Ewan ko ba pero na late ang Growth Hormone ng isang yan. Hahaha...

"Tito Arthur naman."

"Hahaha... Pasensya na ah. Ang tagal na kasi nung huli kayong nagpunta dito."

"Oo nga po eh."

Nagsimula ng ilabas ni Talios ang mga bag namin. Kinuha ko yung bag ko at isinakbit sa balikat ko. Biglang bumukas ang pinto ng backseat at lumabas si Lex na mapupungay ang mata. Kagigising lang eh bagos kulang pa. Wawa naman ang Baby ko. Nagkusot pa sya ng mata bago lumapit sa amin.

"Eazhel! Aba! Anong nangyari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Naku Tito Arthur, kulang lang yan sa tulog." Sabi ko. Ang isang 'to talaga. Lagi na lang nagpupuyat. "Ganun ba. Sige pasok na tayo at mukhang pagod kayo sa biyahe." Sumunod naman kami sa kanya. Binuksan nya ang isang pinto at bumungad sa amin ang kusina. Nasa huli si Talios at bitbit ang gamit nya at gamit ni Lex.

He's In love With A TomboyOnde histórias criam vida. Descubra agora