Chapter 9

588 14 0
                                    

Lex's PoV

Nakadapa ako sa higaan ko at nagi-internet. Kasalukuyan kong kaharap ang aking laptop at nagpe-facebook.  Mga kung ano-ano ang pino-post nila. Tungkol sa mga love life, bitterness at kung paano maka-move on.

Seriously? Wala ba silang alam gawin sa buhay? Nagii-scroll lang ako nang may kumatok. "That's open." I muttered. Pumasok naman si kuya at humiga sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at tinapik ang kanyang noo.

Pfft... Akala mo makahiga kanyang kanya ang higaan. Tiningnan nya ako ng masama dahil sa ginawa ko. Pero nawala din ito dahil tinakpan nya ng braso ang kanyang mata. "I heard what you did. To the Queens pati na rin ang pagbangga mo sa Black D."

"Are you planning to tell papa?" Biglang nawala ang aking humor. Naging walang emosyon ang mukha ko. Tinanggal naman nya ang kanyang braso na nakatakip sa kanyang mata at dumapa kagaya ko. "No. I don't have plans to tell him. Tsaka kailan pa kita pinigilan sa mga ginagawa mo? Nandito lang ako para matsagan ka at bantayan. Baka mangyari ang nangyari sa States." Bigla syang naging seryoso nung binanggit nya ang tungkol sa nangyari sa States. Umiwas lang ako ng tingin at tumingin sa bintana. I don't want to remember it anymore. Mayamaya pa ay may gumulo sa buhok ko. "Basta. Wag kang mag-alala. Hindi yun malalaman ni Papa, partners in crime tayo eh." Yan ang gusto ko sa kuya kong 'to eh. Ang trip ko ay trip nya rin.

Hindi katulad nung dalawa. T^T

"Nga pala Baby kapag kumain tayo mamaya wag ka na uling mag walk out ha?" Napatawa na lang ako sa sinabi nya. First time ko talagang mag walk out nun. Pero syempre hindi ko na ulit yun uulitin,    nagutom  ako  eh. ^∆^

Ginulo nya ang buhok ko at lumabas ng kwarto. Minsan talaga may pagka-ewan yun. Pero kahit ganun yun mahal na mahal ko talaga ang kapatid kong yun. Pinatay ko na ang laptop dahil tinamad na ako. Wala na akong magawa eh.

Ilang oras na akong nakatingin sa kisame na tinatakpan ng itim na transparent na kurtina. Wala akong magawa at inintay ang paglubog ng araw. Kitang kita sa kinahihigaan ko ang paglubog ng araw. Pero imbes na panoorin ito ay pumikit lang ako.

I hate sunset.

|•|•|•|•|•|

"Princess? I need to ask you a favor." Ngumunguya pa ako nung ako'y tinawag ni papa. We currently at the dining hall eating our dinner. Uminom muna ako ng juice dahil may nginunguya pa ako. "Go ahead papa. Wala naman akong pinagkakaabalahan." Awtomatiko akong napalingon kay kuya at saktong nakatingin sya sakin. Napapailing pa sya dahil siguro sa sinabi ko. Subukan nyang magsalita itatapal  ko sa bibig nya yung hita ng manok sa kanya.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon