Chapter 37

450 14 0
                                    

Third Person

Mabilis syang tumakbo patungo sa kanilang captain. Hindi nya akalain na magagamit nya ang kanyang lakas sa pagtakbo para lang sagipin ang captain. Para kasi kay Lex, gaano man kahirap at galing ang meron sa kalaban ay hindi nya kailaman nagbuhos ng maraming lakas para lang manalo. Mas gugustuhin nyang tumayo at maghulog na lang ng bola kapag ito ay pinasa sa kanya. Pero ang nagyayari ngayon ay kakaiba. Kailangan sagipin ang captain dahil ang tingin ni Lex ay kung sino man ang tamaan ng bolang iyon ay mukhang mawawalan ng malay ng isa o dalawang araw. Hindi sya nag dalawang isip sa kanyang gagawin. Bahagya syang tumalon at pinagdikit ang kanyang mga braso. Para syang isang Libero sa isang game na kailangang i-save ang bola para hindi manalo ang kalaban. Iisang dangkal na lang ang layo ng bola sa bandang tainga ni Captain Madell pero bago pa man tumama ang bola ay nahagip na ito ng braso ni Lex. Matapos nyang masalo ang bola gumawa sya ng cart wheel para maiwasan ang pagbagsak nya sa sahig dahil dun ay nakatayo na sya sa kanyang dalawang paa. Dahil sa lakas ng pwersa ay bumulusok papuntang spectator area ang bola kung saan nanunuod ang dalawang team na magkaibang klase ng sport. Ang Basketball at Volleyball boys.

Dahil mabilis din ang reflexes nila ay nakaiwas sila sa bola. Pero wala silang pakialam dun. Nakatingin lang sila kay Lex habang nakangangang bahagya ang kanilang mga bibig.

Nagsitakbuhan ang Volleyball girls dahil sa nangyari. Nagpunta agad si Crisha sa harap ni Lex at iniangat ang dalawang braso nito. But Lex hissed when Crisha's hand made a contact to her forearms. Dahil sa impact ng bola ay namula ang mga ito. Nagpanic si Crisha ng  makita kung anong nangyari dito. Pero ang hindi nila inaasahan ay lumapit ditong lalaki.

"Geez Lex! Lagot ka sa kuya mo!

" Kuya Ghed?"

Walang pag aalinlangang binuhat ito ni Ghed but she hissed when her forearms got contact to his clothes. Hindi ito pinansin ni Ghed at tumakbo palabas ng gym.

Lahat ay gulat pa sa nangyayari. Tsaka lang sila natauhan ng mag register sa utak nila kung anong nangyari.

"We should bring Lex to the clinic!" Sigaw ni Captain Madell habang nakaturo sa pinto na maluwang na nakabukas dahil sa paglabas ni Ghed.

"No." Lahat sila ay napatingin kay Crisha matapos ang kanyang sinabi.

"Are you nuts?! Pulang pula ang braso ng kaibigan mo!!" Sigaw ni Rav sa kanya na malaon na silang nakababa matapos nilang umiwas sa bola.

"For your information, Lex doesn't concern you. Kung sino man dapat ang nag hi-hysterical ngayon ako dapat yun at hindi ikaw. Besides, dadalhin lang sya sa kuya nya kaya wala ng dapat pang ipag alala." Sabi nito at lumabas na ng gym para sumunod sa dalawa.

Gyliard nudge Clyde on the sides. "Ito na ang panahon para sundan sila. Kapag nalaman natin kung sino ang kapatid ni Lex ay madali ng madetermine kung saan sya pamilya galing." With a nod. The five of them run off of the gym. Nakita nila si Crisha na tumatakbo sa gitna ng wide space. Ito kasi ang naghihiwalay sa kanila at building ng mga senior. Tumakbo sila papunta dun. Pero ng makarating sila sa territory ng mga senior ay hindi nila alam kung saang direksyon dumaan si Crisha.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now