Chapter 48

427 13 3
                                    

Clyde's PoV

Pumito na ang referee para magsimula ang game. Nakita kong umupo si Lex sa bench. Nakalagay ang dalawamg kamay sa bulsa ng kanyang jacket at naka-indian sit sa bench. Yan ba ang gawain ng babae? Teka lang, hindi naman yan babae eh. Mukha lang syang babae pero hindi talaga sya babae.

Umalis na ang Queens dahil naba-bad trip daw sila kapag nakikita nila si Lex. Parang ako lang, naiinis sa Queens kapag dikit ng dikit samin. Hindi dahil sa lagi na namin silang kasama ay gusto na namin sila. Kaya lang naman namin sila nakakasama dahil ni Wendy. Ito kasing Rav, magsyo-syota na nga lang sa Queens pa. Yan tuloy pati kami dinidikitan.

"Dude, hayun na ang Lex My loves mo." Asar sakin ni Kioji sabay siko sa tagiliran ko, pataas baba pa ang kilay nya na parang baliw. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa naman ng tatlo. "Mukha kayong tanga. Paano ako magkakagusto dyan? Hindi kami talo."

"May Ghad!!! Bakla ka Clyde?! Kadiri!!" Itinulak ko si Rav dahil sa sinabi nya. Nagtaob sya sa kanyang kinauupuan pero tinilungan din naman sya ng nakakita sa kanya, or should I say , mga fans nya. "Anong bakla ka jan?! Hindi ako bakla! Sinabi ko lang na hindi kami talo dahil hindi naman sya babae! Mag isip ka nga!" Napapakamot naman ng batok si Rav at  tsaka sya umupo sa tabi ko. "Biro lang bro, masyado mong sineseryoso, kaya ka napaghahalataan eh." Sabi nito sakin. Itinuon ko na lang ang tingin kong muli sa court. Last  chance na ng basketball girls. Kapag natalo pa sila ngayong taon, dapat lang na magpaalam na sila sa buong team.

Pumito ang referee at inihagis ang bola sa ere. Naglaban sa ere ang dalawang captain. Unfortunately, the enemy tap the ball and it went to their other player. Hinabol naman nila ito at sinubukang pigilan pero kulang sila ng ilang segundo kaya pumasok ang bola sa ring. The Cross Academy cheered upon scoring.

"Sana naman hindi tayo matalo ngayon."

"Wag ka nang mag assume na mananalo tayo. Lagi naman tayong talo sa basketball girls eh."

"Kaya yan. Lalo na at nanjan na si Shinma."

"Tama!! Mananalo tayo!!"

"Faith lang!!"

Karamihan ay yan ang maririnig sa ilang estudyante. Nadako ang tingin ko kay Lex. Kalma lang ang ekspresyon nya habang nanunuod ng laban, walang kahit anong kaba ang makikita sa mukha nya. Mukha na naman syang bored dahil sa ekspresyon nya. But I've know that woman. Hindi dahil sa kilalang kilala ko sya, dahil hindi ko naman talaga sya kilala. Its just, base on my observation. Kahit ganyan ang ekspresyon ang naglalaro sa mukha nya meron yang tinatagong kulo sa loob. A dangerous scent that was covered by an innocent smell. Tiningnan ko ang score, and shit! What the? Seryoso? Ang bilis naman?

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon