Chapter 42

444 10 0
                                    

Lex's PoV

Tumingin ako sa likod ko at hindi nakita ang dalawa. Ano kayang ginagawa ng dalawang iyon? Pwede namang mag usap ng nandito sila.

Tuluyan kaming pumasok sa loob ng gymnasium at bumungad sa amin ang dalawang court. Parang katulad lang ng sa Decas ang gymnasium. Isang pang volleyball at isang pang basketball. Biglang may umakbay sakin at may nanghampas ng likod ko.

"Good luck sa inyo ah. I-cheer nyo rin kami mamaya." Sina Phiel lang pala, hindi ko sila napansin sa opening remarks. Magkakahiwalay kasi ang iba't ibang sports. Si Angelia sumali sa sepak takraw, si Ellan sa table tennis at si Phiel naman ay sa badminton. Kahit magkakasama kaming lima parati ay hindi kami kadalasan nagkakapareho sa aming mga hilig. And that's makes our group unique, kahit magkakaiba magkakasama pa din. Laro ng mga lalaki ang mauuna ngayon, mamaya kaming 12:00 pm.

"Dito tayo." Hinila ako ni Crisha sa pinaka gilid ng gymnasium at merong pinto na nakasarado. Pinihit nya ang doorknob at tumambad sa amin ang isang malaking kwarto. Nandun ang basketball boys and girls at volleyball boys and girls. Nandun din and cheering squad ng Decas kaya nakita rin namin ang Queens. Nagtama ang paningin namin ni Zeyla at sinamaan nya ako ng tingin. "What do we have here? Ang tomboy at ang kanyang sidekick." She hissed. Hindi ko ito pinansin na parang hindi pa kami nagkikita. Naglakad ako papunta sa aking team at katabi ko pa din si Crisha. Nang marating ko sila ay hindi ko inaasahang may humigit ng aking buhok mula sa likod. Naka-ponytail ito kaya hindi mahirap higitin. I heard some snickers behind. "Let go of her Zeyla, hindi mo magugustuhan ang magiging kapalit ng mga galaw mo."

"Hahahahaha.... Pwede ba Crisha wag kang makisali dito! Sa amin lang ito ng tomboy na ito."

"What's your problem?" I asked, bored painted the tune of my voice. Tumingin sakin ng may awa ang mga babaeng player na nandun. Yung mga lalaki lang naman ang nagkakaroon ng lakas para tawanan ako.

"At tinatanong mo pa talaga kung bakit ko ginagawa 'to?! Inaagaw mo sakin ang Eron ko!!!" Lumakas ang paghigit nya sa buhok ko na naging dahilan para mahawakan ko ang balikat nya. I fall if I don't. "I'm not stealing him away from you, because from the very start you don't even own him."

"His mine!!! And stay away from him!!!!"

Lahat ay tahimik sa mga nangyayari at pinapanuod lang nila kami. Tumayo ako ng ayos at hinampas ang kanyang kamay na nakahawak sa buhok ko kaya natanggal ang pagkakahawak nya dito. She was about to slap me from what I did, when I caught her wrist.

"Don't you dare make that filthy hands of yours touch my face. Because you are nothing and you don't deserve to be here." Binatawan ko ang kamay nya at lumapit kay Captain Madell. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay tumingin ako sa direksyon ni Zeyla. Bahagyang nakanganga ang kanyang bunganga na para bang hindi inaasahan ang aking ginawa. Nang maka-recover ay tumingin sya sakin at binigyan ako ng matatalim na tingin.

He's In love With A TomboyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu