Chapter 99

307 7 0
                                    

Lex's PoV

One week later~

"Haah... Hah.. Akala ko ba- haah... beach ang pupuntahan natin? Haah... Bakit nag aahon tayong bundok?!" Mangiyak ngiyak na maktol ni Crisha sa likuran ko.

Oo nga naman? Nakakapagod kaya. Hindi pamilyar ang lugar na pinuntahan namin. Kasama kasi namin ang Star Section at ang ginamit naming sasakyan ay dalawang bus. Ang dami kasi namin. Star Section, Black D, tapos yung mga kaibigan ko. Napalapit na rin kasi ang mga kuya ko sa mga barkada ko kaya hindi sila pumapayag nang hindi sila sasama.

Napatigil ako sa paglalakad at nag pahinga ng konti. Huminga ako ng malalim at inayos ang sombrerong suot ko. Naramdaman kong humawak si Crisha sa laylayan ng jacket ko para i-steady ang katawan nya. Baka naman mamaya mahimatay na 'to dito? Ayoko pa namang mag bitbit ng mabibigat lalo na't nag-aahon kami.

Kakapagod kaya. -_-

Lumingon ako sa kanya at pinanuod kung paano sya huminga ng malalim para habulin ang hininga nya. Tagaktak ang kanyang pawis kaya dumikit na sa noo nya ang kanyang bangs.

"Umupo ka muna. Mag pahinga muna tayo." Sabi ko sabay turo sa nakausling ugat ng puno. Walang reklamong umupo ito at tinanggal ang nakasabit na bag sa kanyang balikat. Inabutan ko naman 'to ng tubig at tinanggap naman nya. Kaya naman pala nagpadala ng tubig si Kuya Eroll. Aahon pala kami, napasubok tuloy ako sa pag-ahon. Maya maya pa ay natan-awan ko sina Angelia, Phiel at Ellan. Tumutulo ang pawis at malalalim ang pag hinga.

Nang makarating sila sa pwesto namin ay sumalampak sila sa damo.

"Ayoko na. Haah... haah.."

"M-mamamatay na ata ako. Haah.."

"I'm- haah... haah... done."

Napailing na lang ako sa sinapit namin. Hindi naman kasi namin inaakala na ganito pala ang mangyayari sa amin.

Umupo ako sa harap nila at sumandal sa puno. Nang makapahinga ay nagsalita si Angelia.

"Ang beach daw. Ay nasa likod daw ng bundok na ito. Kaya kapag nakarating tayo sa taas, lulusong din tayo."

Narinig kong nag-grunt si Crisha. Mukhang hindi nagustuhan ang kanyang narinig.

"Kung alam ko lang na ganito kahirap mag punta sa beach na pupuntahan natin, hindi na sana ako sumama." Sambit nya habang inaayos ang kanyang buhok. Napangiti na lang ako at tumayo sa aking kinauupuan. Pinagpagan ko ang pantalong suot ko at inasar sya.

"Ang taba mo kasi." Sabi ko at naunang naglakad na paahon.

"Anong sabi mo?!"

|¤|¤|¤|¤|¤|

Kami ang kauna unahang nakarating sa rest house ng beach. Tumakbo na kasi ako palusong ng bundok dahil hinahabol ako ni Crisha kanina dahil sa pagtawag ko sa kanya ng taba. Yung tatlo naman ay tumakbo na din sa takot na maiwanan. Ang haggard haggard na daw nila samantalang ako nga walang karekla-reklamo habang nag aahon kanina.

Yung ibang kasamahan namin wala pa. Iniwan na namim dahil mas nauna kaming umahon sa kanila. Ang babagal kasi maglakad, akala mo naman naglalakad sa buwan.

Pinag masdan ko ang rest house na nandito. Ayon kay Angelia ay pag aari ito ni kuya Ghed. Napag usapan ng Star Section na dito mag celebrate ng birthday nina kuya tsaka ng official comeback ni Cris. Kasi simula noong malaman nilang buhay si Cris ay ipinasok agad nila ito sa Star Section. Dati pala syang kabilang sa nasabing seksyon. Ang kaso nga lang ay nagpunta syang States dahil inusap sya ni mom noon. Hindi ko nga lang alam kung tungkol saan yun. Ayoko na ring malaman at halungkatin pa ang nakaraan.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now