Chapter 57

418 11 3
                                    

Clyde's PoV

"Dude! Tanghali na tayo!"

Biglang nawala ang kumot ko at may humigit sa akin sa kama.

"Aww!" Angal ko ng malaglag ako sa kama. Napahawak ako sa aking ulo kung saan tumama sa sahig ang parte ng aking ulo.

Sinamaan ko sya ng tingin pero hinawakan nya ang paa ko at hinila papuntang banyo.

"Wala na tayong oras para dyan! Manligo ka na!"

Isinarado nya ang pinto ng makalabas sya sa banyo. Abnormal, pwede namang gisingin na lang ako kaysa sa hilahin.

Wala rin naman akong magagawa kaya tumayo ako at ginawa ang aking morning routine. May pupuntahan kasi kami ngayon. Hindi ko alam kung saan dahil si Gyliard lang ang nakakaalam. Surprise daw nya sa amin. Napagpulungan na rin namin na doon mag practice, wala namang problems kay Gyliard dahil kaniya namang bahay yung pupuntahan namin. Hindi namin hinangad na kami ang mapili sa juniors para sa battle of the band pero dahil kasama ang ilang senior na kasali sa Star Section ay kami ang napiling isali para sa juniors. Ayoko sana kaso walang choice. Hindi naman sa pagmamayabang pero walang suitable sa juniors para makasali sa battle of the band.

Nang matapos akong maligo ay nag ayos na ako. Kinuha ko ang bag na nakalagay sa aking kama. Pagkarating ko sa sala ay nakita kong nakakunot ang kanilang mga noo habang nakatingin sa kawalan.

Muntanga lang.

Napansin ni Rav ang presensya ko kaya tumayo na sila. "Tara na. Parang babae naman kasi si Clyde ang bagal maligo. Kahit anong pag papagwapo mo hindi ka pa rin papansin ni Lex." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Nakita ni Jaeidy ang ekspresyon ko kaya siniko nya si Rav kaya nanlaki din ang mata nito. "What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Nagbalikan ang tingin  ko sa apat na ngayon ay iniiwasan ang tingin ko. "Ano kasi Clyde, yung ano kasi, yung... Ano nga pala yun?" Sabi ni Jaeidy sabay baling kay Gyliard. Bumuntong hininga si Gyliard at kinuha ang bag nya.

"I'll explain to you later, for now let's go."

Sumunod naman  kami sa kanya. Hinayaan na naming hindi naka-lock ang pinto dahil may magiging tao naman sa bahay.

|•|•|•|•|•|

"Andito na tayo."

Naalimpungatan ako sa boses ni Gyliard. Napatingin ako sa aking wristwatch.

What the? Dalawa't kalahati ang inabot ng biyahe? Nagsibaba na kami ng sasakyan. Pagkalabas pa lamang ng sasakyan ay mararamdaman ang malamig na klima. Buti na lang at may jacket ako ngayon. Hindi naman kasi ako katulad nung tomboy na iyon, kahit na tirik ang araw laging naka-jacket at sombrero. Takot na takot na mangitim. Tumabi sa gilid ko si Kioji habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan namin ngayon.

"Bahay mo ba 'to Gyliard?" Tanong ni Jaeidy kay Gyliard na katabi na namin ngayon at nakatingin din sa bahay. "Nope. Nasa kabilang bahay ang bahay ko." Sabay turo nya sa puting bahay na hindi kalayuan sa kaharap naming bahay ngayon.

"Eh anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Umuna na akong maglakad sa kanila at sumunod naman sila sa akin. "Pinapunta kasi tayo ni Eron dito." Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Si Eron? Dito din sila magpa-practice?" Tanong ni Rav sa kanya. Tumango si Gyliard at umunang mag lakad. "Yup." Tanging sagot nito. Pinindot nya ang doorbell. Its really odd though. The doorbell looks like... Stitch.

"Kung nandito si Eron, ibig sabihin ba nandito rin si Lex?" Sinamaan ko si Kioji ng tingin pero tinapik nya lang ako sa balikat. "Siguro, hindi naman kasi sinabi ni Eron. Ang alam ko lang ay buong DTR Section and kasama nya." Gyliard said while glancing at me. Ano bang problema ng mga 'to?

Sasabat na sana ako ng bumukas ang pinto.

O_O -kami

-_-  -sya

"Lex?"

"What are you doing here?"

Nagpabalik balik ang tingin nya sa aming lima pero tumigil ang tingin nya sa akin. Pinaningkitan nya ako ng mata pero nawala ito ng may umakbay sa kanya. Bumungad sa amin si Eron na nakaakbay kay Lex. Mga nakapang bahay lang sila pero rinig hanggang sa pwesto namin ang ingay galing sa loob.

"Pasok kayo sa bahay ni Lex." Iginaya nya si Lex sa loob habang nakaakbay pa din samantalang nakasunod naman kami sa kanila. Ano daw? Bahay ni Lex? Well, I shouldn't been surprise at all. Sa yamang nyang yan hindi impsoble na magpatayo sya ng bahay mag isa. And base on her personality, I doubt that she's the one who built this  since mas gusto nyang matulog kaysa sa mag utos na igiwa sya ng bahay.

Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad ang nakakakalmang amoy ng paligid. Cream, white and silver ang kulay ng buong bahay. Its very calming.

Pagkarating namin sa sala ay mukhang nandun lahat ang buong Star Section. What the heck? What's going on here?

"Woah ang Black D.! Musta na!" Lumapit sa amin si Leor at nakipag fist bump.

Nako patay na. Kapag nag sama sama ang isang Leor, Kioji at Rav sa iisang lugar siguradong magkakaroon ng ipo ipo. Malakas na nga ang hangin kapag sina Rav at Kioji tapos dadagdagan pa ng isang mas matindi. Chaos and dala ng tatlong yan.

"Kararating lang din namin kaya pahinga muna at mamayang gabi na mag practice." Tanging sabi ni Eron at nakigulo sa mga kasama nya. Yung apat na kasama ko ay nakisali na rin sa gulo. Yan ang problema eh, kapag nagkakasama ang Black D. at ang Star Section hindi na magkamayaw dahil sa magugulo. Daig pa ang mga elementary.

Napatingin ako kay Lex at nagtaka ako dahil nakatingin din sya sa akin. Her usual facade didn't even change a little bit. Ano pa bang aasahan ko? Ganyan na talaga ang tomboy na yan. Napapikit sya at nagpunta sa pinto sa ilalim ng hagdan. May hagdan din pababa. Without a word, I followed her. Nakita ko pa saber gilid ng paningin ko si Kioji habang nakangisi sa akin, baba na sana  ng hagdan ng may ginawa syang kissy gesture sa kamay nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at tuluyan ng bumaba.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now