Chapter 14

545 16 4
                                    

Eron's PoV

Naglalakad ako sa hallway ng senior building. Lahat kasi ng senior dito nag-aaral. Senior student ah, hindi senior citizen. Ako? Senior citizen? Asa.

Habang naglalakad sa hallway ay maraming mga nakatambay na estudyante. Madaming bumabati sakin kapag napapadaan ako sa harapan nila.

"Good morning Eron..." Medyo nahihiyang bati ng babae. May kasama pa syang lima at nakatambay sila sa may locker. Kinindatan ko sila para maging dahilan ng kanilang pagtili. Ganun na ba talaga ako kagwapo?

Kakauwi ko lang kagabi galing Japan. Promise nakakapagod ang byahe. Isang araw lang ako sa Japan tapos bumalik agad ako. Uuwi na kasi sina kuya. Well, hindi pa ngayon pero malapit na. Ewan ko lang kung anong magiging reaksyon ni Lex. Mapagti-tripan na naman yun nina kuya. Pero kahit ganon ang mga yun napaka overprotective pagdating Kay Lex. Ako din naman eh ganun. Nag-iisang babaeng bunso namin si Lex kaya mahal na mahal namin yun. Spoiled din ang isang yun eh.

Nagtataka nga kami kung bakit ganun ang kilos nun. Daig pa kami nina kuya eh. ^-^

But were thankful dahil hindi sya nagsusuot ng maiikling damit. Ayaw nya ng ganun, hindi daw sya komportable. I remember when she turned 12. Father bought her a pink off shoulder dress. Her eyebrows knitted and she pouted. She's very cute. Hindi nya pinansin si Papa ng one week dahil sa dress. Pfft... She don't like dresses or even skirts. She much prefer jeans and pants.

A smile plastered on my face remembering those days.

"Guys!! Binuhusan nung transferee si Clyde ng lunch!!"Nagulat naman ang mga estudyante at sinundan yung sumigaw papunta sa cafeteria. Napailing na lang ako ng wala sa oras. I know its Lex's doing. Ano na naman kaya ang pina-planong kalokohan ng isang yun?

Boring daw dito sa Pinas kaya gusto nya daw makipaglaro sa Black D. at Queens. Ibang klase din naman kasi ang kapatid kong yun. Napakasiga parang kami lang nina kuya. Nahawa na sa amin dahil puro lalaki kami. Tuturuan nya daw ng leksyon ang dalawang grupo.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa basketball court ng school. Pumunta ako sa elevated na bench kung saan nag-iintay ang mga kasama ko.

" Dude, yung kapatid mo. Mukhang nage-enjoy." Aabutan sana ako ni Deon ng sigarilyo pero tumanggi ako. I don't smoke. Papangit ako. Bakit? Totoo naman. Umupo naman ako sa isa sa mga upuan.

"Ano pa ba ang aasahan mo Deon? Castillejo yun. Magaling sa kalokohan." Sinamaan ko ng tingin si Ghed (Jed). Gago to ah.


"Hayaan nyo na lang yun. Tutal naman walang nakakagawa nun sa dalawang grupo. Gusto kong makita kung paano titino ang mga yun. It can be those two group or it can be Lex. Who knows." I shrugged.


"Confident ka sa kakayahan ng kapatid mo ah." Sabi ni Ghed.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now