Chapter 32

472 15 4
                                    

Jaeidy's PoV

Lahat napanganga sa nangyari. Ilang segundo ng umalis yung dalawa pero hindi parin maka-recover sa pagkakagulat and mga tao dito, kasama na ako. I mean, what the hell was that?! A woman pitch a ball of basketball and the target loss their consciousness because of the impact?! That's absurd!! At hindi lang yung, nagdudugo na walang katapusan ang ilong ni Sherry na ngayon ay wala ng malay. Nang mag sink in lahat ng nangyari ay mabilis na nagpunta sa gilid ng nga Queens ang mga estudyante at nangunguna na doon si Rav dahil ng girlfriend nyang si Wendy.


Dinila ang apat sa clinic dahil nagkaroon ng konting gasgas ang tatlo. Binuhat ni Rav si Wendy na bridal style dahil nagdudugo ang gilid ng tuhod nito dahil sa gasgas.



Napapailing na lang akong umupo. Kung ako ang tatanungin. Kasalanan ng Queens ang nangyari. Kung hindi nila binulabog si Lex na tahimik lang na nakaupo at hindi yun mangyayari sa kanila. Pero, maaari din namang kasalanan ito ni Crisha. Kung dinaan na lang nila sa magandang usapan ang lahat edi sana walang nangyaring ganun. Pero dahil kilala ko ang Queens, siguradong malabong mangyari yun.
Baka nga magsisimula ka pa lang magsalita nasampal o nasabunutan ka na.



Teka nga? Bakit ba iniisip ko ito? Wala naman akong pakielam sa gulo ng mga babae. Bakit ba pinapasok ko? Jaeidy ah, nagiging pakielamero ka na. Napakamot na lang ako ng batok ko at tumungo sa classroom mag isa. Nasa clinic yung apat eh. Si Rav sinasamahan si Wendy yung tatlo nakikiusyoso lang. Mga abnormal yun eh.



Paliko na ako sa right wing ng building ng may nakabangga ako.



"Ouch!"



"S-sorry."



Nakaupo na yung babae sa sahig at nakakalat ang mga librong hawak nya kanina. Ang tanga mo Jaeidy hindi ka nag iingat. Tinulungan ko syang damputin ang nga libro.



"O-okay lang."sabi nito at nagmadaling umalis.


Ooookay? Anong nangyari dun?



Napakamot ako ng batok ng tingnan ko ang hagdan kung saan sya dumaan. Pumasok ako sa loob ng classroom at nakita ko silang lahat na nasa isang tabi may dinudungaw sa bintana. Out of curiosity, sumiksik ako sa mga kaklase ko para tingnan kung anong nangyayari. And once I reach the window, sa baba lang nito makikita ang around thirty van na nakaparada. Nagbulungan ang mga kaklase ko at napag alaman kong meron pang twenty van na nasa parking lot.


Anong meron?


" Ah.. Nakita nyo na pala. " nakita namin ang mga teacher na nasa unahan na. Nagsiupo na kami. Yung apat nandito na at nagkukulitan. Parang mga ewan akala mo mga elementary.


Habang nagdidiscuss ang teacher karamihan ay tulog at nagse-cellphone. Sabi ni Sir Carl, wala daw syang pakielam kung walang nakikinig sa kanya basta daw ay nakapagturo sya samin at kami na daw ang may problema kung bumaksak man kami kasi hindi naman daw kami nakikinig. Naputol ang discussion ni Sir ng tumunog ang speaker sa sulok sa taas malapit sa pinto.


"Calling the attention of Sherry Madrigal, Wendy Swine, Delaine Marcos, Zeyla Peters, Ravian Yuri Perez, Kioji Rei Reyes, Clyde De Castro, Gyliard Vaen Miller, and Jaeidy Romualdez. You are all need to go the guidance office. Don't worry, you're all excuse to your subjects."



He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now