Chapter 26

522 18 0
                                    

Crisha's PoV

Bad trip yung si Lex iniwan ako. Parang ewan lang. Matapos ang celebration namin ay tumawag sakin si uncle dahil may ibibigay daw sya. Gusto ko sanang ihatid si Lex matapos ng celebration kaso wag na daw, maglalakad na lang daw sya. Abnormal talaga ang isang yun. Kababaeng tao naglalakad mag isa sa kalsada. Huminto ako sa isang kilalang bar. Ito ang pinakamalaking bar sa syudad na pagmamay-ari ng uncle ko. Kapatid ni Daddy to be exact.

Nginitian ako ng bouncer at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkapasok ko pa lang ay bumungad na sakin ang isang hallway na dim light. Hindi pa ako nakakarating sa mismong bar ay rinig na rinig ko na agad ang malakas na tugtog at ingay ng mga tao.

*sigh*

I really hate this kind of place. °3°

Nang marating ko ang dulo ng hallway ay nasilayan ko ang mga nagpapapalit-palit na ilaw, malakas na tugtog at nakakabinging ingay. Naamoy ko rin ang naghalo-halong amoy ng alcohol. Tumingin ako sa kaliwa't kanan para hanapin si uncle. Pero ang nakikita ko lang ay mga taong nagsasayaw, naguusap, nagkakatuwaan habang tumatalon. Napakamot na lang ako sa aking pisngi. Paano ko naman sya hahanapin e ang daming tao? Paglingon ko pinanggalingan kong hallway ay may nakita pa uli akong dalawang bouncer na nakatayo. Lumapit ako sa mga ito kahit nakakatakot silang tignan. Paano ba naman ang lalaking tao bagos parang hindi pa marunong ngumiti. T_T

"Uhmm.. Excuse me. Do you know where is Deejay Lee?" Tanong ko. Nagkatinginan pa sila na para bang naguusap telepathically. Matapos nun ay tiningnan nila ako ng masama.

Waaah!!Daddy!!! Huhuhu.... T^T

"Bakit? Anong kailangan mo kay boss?" Ang lalim ng kanyang boses, isama mo pa yung masamang tingin at postura nya.

Help me Daddy!!! T^T

"I-I'm Crisha Lee, his n-niece. He called me but I can't find him anywhere due to the crowd." Nagkatinginan pa uli sila at nakita kong tamango yung isa. Ngumiti sakin yung kausap ko.

Whew....

"Hindi nyo naman po sinabing kayo si Miss Crisha. Samahan ko na po kayo." Nginitian ko sya at nauna syang naglakad. Sinundan ko naman sya at dumaan kami sa crowds. Medyo hinawi nya pa ang iba para walang makalapit sakin. Paano ba naman lasing na ang iba at balak pa akong hilahin.

Eww...

Umakyat kami sa second floor, kita naman ang first floor. Puro VIP kasi itong nasa second floor. Papasok na sana kami sa isang kwarto ng may humigit sa bewang ko. Nawala ako sa ulirat sa pagkakabigla. Ramdam ko ang mainit nyang hininga sa aking tainga kaya amoy ko rin ang alcohol. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya pero mahigpit ang pagkakayakap nya saking bewang.

Damn it!! Daddy!! Help me!!

"Ano ba!! Bitawan mo nga ako!!" Asan na ba si kuyang bouncer?! Bakit nawala agad sya?!

"I'm not expecting you to be here, Miss Lee." Nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses nya. Mahigpit pa rin ang hawak nya at ramdam ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko. Kahit hindi ko kita ang mukha nya ay kilalang kilala ko ang boses na yun. Nag-init ang mukha ko dahil ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now