Chapter 45

425 11 6
                                    

Rav's PoV

Did he just kiss her? Takte! Anong meron? Sila ba?! Akala ko ba ako ang gusto nya? How come na magkahawak ang kanilang kamay at nagpahalik sya? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa kanya ng matalim.

"Oh my gosh! Hinalikan sya ni Eron?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Sherry. Tumingin si Zeyla ng matalim kay Crisha na para bang pinapatay ito sa kanyang isip. Ano naman ang paki ko kung halikan nya?! Kahit maghalikan sila sa harapan ko dahil wala akong paki! Pero nung ma-imagine ko na naghahalikan sila sa harapan ko ay naikuyom ko ang kamao ko. Tsk! Ang sama! Hindi sila bagay!

"Noong una yung tomboy na Lex na yun! Ngayon yung Crisha na hampas lupa naman! Seriously?! Akin lang si Eron! Wala bang nakakaintindi na akin lang sya?!" Ano daw? Pati si Lex? Bakit?

"Bakit naman napasali si Lex?" Tanong ni Jaeidy sa kanya. Nanggagalaiti na kasi si Zeyla. Ang obsess naman ng isang ito kay Eron. Pero sa loob loob ko ay mas magandang sa kanya si Eron kaysa naman makita kong magkahalikan yung dalawa. Tsaka ano daw? Hampas lupa? Kung alam nyo lang kung gaano kayaman si Crisha magsisisi kayo sa mga pinagsasabi nyo sa kanya. Baka nga makasuhan pa sila ng bullying eh.

"Kasi tinawag ni Eron si Lex na Baby. Tsaka  hindi inalis ni Eron ang hawak sa kanya ni Lex ng sabihin nito ng 'I need him'. Ugh!!! Nakakainis! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa Eron Babe ko?!" Ibinato ni Zeyla ang hawak nyang pompoms sa sobrang inis. Napatawa naman yung lima sa kanya.

"Baka naman pinaglalaruan ni Eron yung dalawa. Tsaka kita naman sa itsura ni Eron na hindi sya pumapatol sa tulad nila kaya chill ka lang Zeyla." Zeyla huffed in annoyance and  fold her hands on her chest.

"And now the game the most awaited! Volleyball girls. Cross Academy V.S. Decas University!" Naghiyawan ang mga manunuod. Ito kasi ang inaantay ng lahat. Kita mo itong si Kioji, nag gi-girl hunting na naman lingon ng lingon kung saan. "Yun Dude maganda!" Turo ni Jaeidy sa isa sa manlalaro ng Cross Academy. Siniko sya ni Kioji. "Dude akin yan, ako ang unang nakakita." Sabi nito na ikinununot ng noo ni Jaeidy. "Inaagaw ko? Hindi naman diba? Kaya manahimik ka dyan."

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon