Chapter 35

467 17 0
                                    

Lex's PoV

Kinabukasan ay umuwi din kami. Hindi naman kasi pwedeng magtagal kami dun tsaka tapos na ang kailangan ko.

"Babalik kayo dito ah?"

Inilagay ni Talios ang mga gamit namin sa compartment.

"Baka po sa pasko Tito!"

Kumaway kami sa kanila.

"Ba-bye Kuya Lex!"

"Ba-bye po!"

"Kuya Lex!! Mami-miss po namin kayo!!"

I smiled at them and waved.

"Woi!! Kuya Lex!! Basta gawin mo lang ang pinag-usapan natin!!" Ngumiti ako sa kanya at pumasok sa loob ng kotse.

"Ano ba yun?" Tanong sakin ni Crisha. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at yinapos. "Its nothing. Just a... mere show."

Sumandal ako sa kanya at hindi ko namalayang nakatulog na ako.

|•|•|•|•|•|

I found myself laying on my bed. Tumingin ako kay Stitch at nakitang 11:00 am na. Makapasok kaya? Tumayo ako sa kama ko at dumeretso sa loob ng banyo. Paghawi ko ng kurtina...

"Kyaaaaah!!!"

"Geez!!! Crisha!!! Learn to lock the door!!" Sinarado ko uli ang kurtina lumabas. Damn that woman. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Biglang dumating si Talios sa kwarto. "Young Mistress, I heard a scream. What is it?" Tiningnan nya ang kabuuan ko kung may sugat ako o wala.

"Its nothing Talios. Its just... something unexpected happen."  Hinawakan ko ang dalawang balikat nya at ine-escort palabas ng kwarto. Saktong lock ko ng pinto ay tsaka paglabas ni Crisha sa banyo. Nakanguso sya sakin habang nakatapis ng tuwalya.

"Bad trip ka talaga Lex. Kainis ka eh."

"Hindi ko na kasalanan kung nakita ko lahat. Abnormal ka eh. Sa susunod mag lock ka ah?" Sabi ko sabay lagay ng tuwalya sa balikat ko at pumasok sa banyo. Narinig ko pang may tumama sa may pinto nang ni-lock ko ito.

Pfft... Natatawa ako sa reaksyon kanina ni Crisha. Takte! Ang epic!

Nagmadali na akong maligo. Papasok kasi ako, ewan ko lang kay Crisha. Sabagay lagi naman kaming magkasama nun. Lumabas na ako ng banyo at nakitang nasa kama ang uniform ko.

"Grabe lang Lex. Nung pinaghanda ka ng uniform ni Talios nakita ko yung laman ng bago mong closet. Grabe ah, purong uniform."

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon