Chapter 8

639 17 3
                                    

Clyde's PoV

That woman! She murdered my precious car! She want war? Then i will give it to her!

"Dude, Don't worry about it. Madami ka pang kotse." Tinapik ni Rav ang balikat ko. Tsk! Ang sakit sa mata ng blonde nyang buhok. "Pa-paano tayo nyan? Magko-commute?" Napapakamot na lang ng ulo si Jaeidy. Commute? I have never done it before. And I will never do it.

"Jaeidy nasisiraan ka ba ng bait?! Hindi bagay ang kagwapuhan ko dun!" Naghi-hysterical na sabat ni Kioji. Lalo syang nagmumukhang tanga. Napatingin uli ako sa kinahinatnan ng aking kotse. Ngayon ko lang napansin na butas pala ang mga gulong nito. She must have use a pointed object. Malamang hindi naman mabubutas yan kung hindi matalas. Baliw lang.

"Tsk! Maglakad ka kung ayaw mo." Kinuha ni Gyliard ang kanyang cellphone at nagsimulang magtipa. Ako hindi ko magawang hawakan ang kotse ko. Kapag nakita ko talaga ang babaeng yun magbabayad sya sa ginawa nya.

"Hey Mr. Contes? Can you fetch us at the parking lot?.... We're still at school..... Thank you." Binaba na ni Gyliard ang tawag. He must've called their family driver.

"I must say. Girly has the guts." Sabi ni Rav habang humihithit ng sigarilyo. Sunog baga talaga ang kupal na 'to.


"I agreed. Kita mo yun? Hindi tayo kinatatakutan? Palaban ang babae." Nakangising saad ni Kioji.

"It is supposed to be good news right? I mean may mapagti-tripan na tayo. Boring kasi kapag hindi lumalaban ang pinati-tripan mo." Napaisip na lang ako sa sinabi Jaeidy. His right, wala pang kumakalaban samin. Ewan ko na lang sa mga Seniors. May grupo kasi sa Seniors na kagaya namin. At hindi ko masasabi na nakikipag kompetensiya kami sa kanila. Actually maganda ang samahan namin.

Hindi nagtagal ay dumating na ang sasakyan. Limousine ang gamit kaya agaw pansin. Habang nasa byahe ay pinag-iisipan ko ang gagawin ko sa babaeng yun. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakabawi sa babaeng yun. Teka? Babae nga ba? Kung kumilos akala mo hindi belong ang katauhan nya sa kanyang katawan.

"Mga dude. Kung pagti-tripan natin sya. Baka pwedeng magpa-kuha tayo ng information tungkol sa kanya." Suggest ni Rav. Napailing naman ang mga kasama namin. "Bakit kailangan pa? Pagti-tripan lang naman natin sya. Alam mo Rav yung mga nilalaro natin hindi na natin kailangang kilalanin pa." Inaayos ni Kioji ang kanyang buhok habang sinasabi yun. May point naman sya. Pero mukhang may kakaiba sa babaeng yun.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now