Chapter 96

299 9 0
                                    

Third Person

"How are they?"

An older male imerged from the wide screen in front of Liabrar Eros Xan Castillejo. Bakas sa mukha nang matanda ang pag aalala ngunit nandoon din ang pagka-strikto nito. Napabuntong hininga si Liabrar at napaupo sa kanyang swivel chair.

"Thank God they're okay. No one is hurt and Eron is resting on his room. His wound is almost healed." Nasapo nito ang kanyang noo habang inaalala ang nangyari limang araw ang nakakaraan.

Habang nasa office sa kanyang kompanya ay naka-tanggap sya ng tawag galing sa pamangkin na si Van. He was enraged when he learned the truth. Agad syang umalis at iniwanan ang kanyang ginagawa at nagpunta sa kinaroroonan ng mga anak. Hindi maiaalis ang pag aalala nito lalo na sa anak nitong si Lex. Nang makarating, ay naabutan nya ang tauhan ng mga Vasquez na inasasakay sa van ang mga tauhan ni Daruuz. Hindi nya pinansin ang mga ito at tumakbo papasok nang abandonadong building kasunod si Talios. Hinanap ng mga mata nya ang mga anak ngunit ang una nyang makita ay ang magkapatid na Lee. Magkayakap at humahagulgol sa iyak. Napangiti sya ng wala sa oras at muling hinanap ang mga anak.

"Master. There." Tinuro ni Talios ang mga sementadong bench. At doon nakita nya ang apat na anak at dalawang pamangkin. He immediately run into them. Si Eren ang unang nakapansin sa ama.

"Papa!"

Nang makalapit ay walang sino man ang nangahas na umimik. Napatingin si Lex sa dalawang pinsan na babae ngunit pinag taasan sya ng kilay ni Rel at iniwasan lang sya ni Van ng tingin. Pinaningkitan nya ito ng mata dahil wala sa plano ang ginawa nito.

"I need to be sure okay?" Bulong na pag tatanggol ni Van sa sarili. At umaktong walang kinalaman.

"Princess. What you did was dangerous." Panimula ng ama. Napatungo na lang si Lex. "I don't have a choice. It is better to put out the fire before it spread." Rason nito nang hindi makatingin sa ama. Ang tatlo naman ay nakatingin lang sa kanilang bunsong kapatid. "Yes, Princess. You did it successfuly. But not everything always fall into your plan. Look what happened to your brother." Napalingon naman sila kay Eron na hawak ang tagiliran nito.

"Papa, I choose to catch the bullet even though Lex could dodge it. Planado na ang lahat, kami lang 'tong umepal at lalong nagpagulo ng sitwasyon." Pagtatanggol nito sa kapatid. Nabaling ang kanilang ama sa ibang direksyon. Hinilamos ang mukha sa prustrasyon at muling hinarap ang mga anak.

"Dahil sa nangyari ngayon, lahat kayo ay ban sa pag gamit ng kahit anong armas. At kayong dalawa." Baling nito sa mga pamangkin. "May masagap pa akong balita na katulad nito, ipapatigil ko lahat ng operasyon sa mga misyon na kasama kayo. Bawal ang pag gamit ng armas, bawal makipag laban, at sa paaralan lang ang focus nyo. Naiintindihan nyo? The same punishment goes for you Princess."

Nagkatinginan ang tatlo bago tumango sa nakatatandang Castillejo.

Muling nakuha ng screen ang atensyon nya. Nakatingin sa kanya ang matanda at mukhang may sinasabi ngunit hindi nya ito naintindihan dahil lumipad ang kanyang isip. "Anyway, I just want to check my grandchildrens. Next week will be our Family Gathering including the Vasquez. I'll see you around."

"Alright dad."

Then the screen went off.

Nanatili muna sya sa loob ng ipisina ng isang oras at tsaka sya lumabas. Pagkarating nya sa stair case pababa ng hagdan ay rinig nya na ang mga ingay na nang gagaling sa sala.

Mukhang nandoon ang Star Section, Black D at mga kaibigan ni Lex. Napangiti sya at bumaba ng hagdan. At ang una nyang nakita ay ang hawak ni Eren na damit. Hindi lang ito basta damit kundi isang mamahaling dress. Nakatayo sa harap ni Lex si Eren habang naka-extend ang dalawang kamay nito sa harapan ng kapatid. Nakakunot ang noo ni Lex habang nakatingin sa dress.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now