Chapter 82

337 9 1
                                    

Third Person

Nag ayos ng buhok si Eron bago muling bumalik sa kanilang lamesa. Binigyan sya ng nakakaasar na ngiti ng mga kaibigan nya.

"Oh Eron asan partner mo?" Natatawang tanong ni Ghed. Imbes na sumagot ay umupo ito sa tabi nito.

"Wala na. Na-kid nap na." Iiling iling na sabi nito. Napatawa naman ang mga kasama nya at tinapik sya sa balikat. "Abno! Dapat binawi mo!"

"Wag na. Willing naman syang magpa-kid nap." Tanging sabi nito na ikinatawa ng kasama nya

"Magsayaw naman tayo Eazhel oh."

"Magsayaw kang mag isa mo."

Napalingon silang lahat sa kabilang table. Kung saan ay makikita si Lex na nakahalumbaba habang kinukulit ni Clyde na makipag sayaw ito sa kanya. "Tara na, minsan lang 'to."

"Ayoko, nakakapagod."

Hinawakan ni Clyde ang kamay nya at magpilit na kinulit.

"Kapag hindi ka tumayo dyan bubuhatin talaga kita." Pananakot ni Clyde. Pinaningkitan sya ng mga mata ni Lex bago nito binawi ang kanyang kamay. "Huwag kang mang iyamot Clytard baka makatikim ka sakin." Dahil sa katagang iniwan ni Lex ay kumislap ang mga mata nito na para bang may naisip na kapokohan. "Ano bang pwede kong tikman sayo?" May halo ng kalokohan ang tinig nito. Dahil sa kanyang sinabi ay hindi na napigilang i-karate chop ni Lex ito sa kanyang batok.

"Aray ko naman Eazhel! Nagjo-joke lang naman ako eh." Kasalukuyang nakahawak sya sa kanyang batok habang hinihimas ito. "Subukan mo pang magsalita dyan sisipain kita."

Ang mga tao sa kabilang lamesa ay magpilit na pinigilan ang kanilang pagtawa. Sa nakikita nila ay mas gugustuhin ni Lex na umupo na lang kaysa sa mag sayang ng lakas para lang magsayaw.

"Kawawa naman si Clyde. Tingnan mo si Seath..." Sabay tingin nila sa batang freshman na hindi alam kung anong gagawin. "Hindi malaman kung sinong uunahing isayaw sa sobrang dami ng chicks." Lahat sila ay napatawa ng simulan ng pagkaguluhan ng kababaihan ang batang De Castro.

|•|•|•|•|•|

Lex's Pov

"Eazhel...."

Sinundot nya ang tagiliran ko na naging dahilan ng pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan.

-_-

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now