Chapter 22

527 15 1
                                    

Lex's PoV

Maaga akong nagising. Mas nauna pa nga akong nagising kay Stitch eh. Pumasok na agad ako sa banyo ay nagsimulang manligo.

"Young Mistress?" Narinig ko ang boses ni Talios. Nakapikit pa ako dahil naga-apply ako ng shampoo, nasisilam kasi ako eh. Ang sakit sa mata.

"Yes?"

"Am I going to prepare your uniform?"

"No. Instead prepare my clothes. We're not going to wear uniform today." I said while scrubbing my hair.

"Alright Young Mistress."

Nagsimula na akong magsabon ng katawan and when I'm done, I rinsed myself. I step out of the shower and wrap myself with a towel. Pinunasan ko ang aking buhok na kasalukuyang basa pa. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko ang damit ko sa kama. It was a plain gray T-shirt, a black fitted ripped jeans and a black and white jacket. Nakalagay din dun ang sombrero na plain black. Black and white naman ang rubber shoes. Kahit nasa 45s ang edad ni Talios alam na alam nya kung paano ako manamit. Kung sabagay, personal butler ko na sya pagkabata pa lang. Isinuot ko na ito at nag-ayos ng buhok. Pinatuyo ko muna ito gamit ang hair dryer tsaka nagpuyod ng pony tail. Kinuha ko ang bag ko na damit at towel lang ang laman at isinakbit ito. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nasa stairway pa lang ako ay nakita ko si Papa sa salas  na umiinom ng kape habang nanunuod ng balita sa TV. Plain green T-shirt at short na hanggang tuhod ang suot nya. Naka-de quatro pa ito at focus sa panunuod. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. 5:30 ng umaga.  Napansin nya ata ako at napatingin sa direksyon ko. His hand holding the mug of coffee froze halfway to his lips. Nakaawang pa ng konti ang bibig nya. Is he expecting me to wake up late again? Ilang beses na ba akong na late? Wala pa naman ah. Simula nung lumipat ako dito hindi na ako nale-late. Paano ba naman laging nanggigising ng maaga si Stitch.

That wicked but adorable alarm clock. -_-

O◽O - sya
-_-   - ako

"Princess? Are you feeling okay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Papa. Bumaba na ako ng tuluyan at inilagay ang gamit ko sa couch.

"I'm okay Papa. By the way, where is kuya Eron?" I asked. Umupo ako katabi nya at nakinuod sa balita. "Nagbibihis pa. Why are you so early today Princess?" Uminom sya ng kape at iniligay ito sa glass table sa harap namin. Uminat-inat pa ako, medyo inaantok pa ako.

"Birthday kasi ng Principal bukas Papa. Nag aayos kami ng booth ngayon- Oh speaking of booth. Napadala nyo na ba yung decor sa school?" Tanong ko kay Talios na nakatayo katabi ko. Nasa dulo kasi ako ng couch.

"Yes Young Mistress, and as you told to deliver it in front of your classroom's door." Sabi ni Talios habang naghahalo ng kape. I nodded, binigay nya sakin ang kape at uminom naman ako. Its already 5:37 when kuya Eron went down stairs. Nagulat pa sya dahil ang aga ko ngayon.

What's the big deal? -_-

"Pa, baka naman hindi si Baby ang katabi nyo. Baka ibang tao yan na nag-ibang anyo para maging kamukha ni Baby." Napatawa si Papa dahil sa sinabi ko kuya. Batukan ko kaya ang isang 'to? Lakas mang-inis eh. Sipain kita dyan. Matapos ang konting asaran ay nagpunta kami sa dining hall para mag breakfast. Sumalo na rin si Papa sa aming dalawa ni kuya. Pagkatapos nito ay sumabay na ako kay kuya papuntang school.

When we reach the school I already got off the car. Baka mamaya may makakita sakin. Nagpunta ako sa building namin, pagkarating ko sa room namin ay pinagkakaguluhan nila ang box na nandun.

"Grabe Lex, nakakapanaas balahibo 'tong mga 'to." Sabi ng isa kong kaklase habang hawak sa buhok at iwinawagay ang isang artificial head na mukhang napugot sa katawan. Inilapit nya ito sa katabi nyang babae kaya naging dahilan ng pagtili nito. Napatawa ang mga kaklase namin kaya hinampas sya ng babae.

"Alright, so everyone is here?" Nakatayo si President at katabi nya si Crisha. Nasa paanan nila ang isang damukal na itim na tela. It must've the black curtains.


"First, we should cover the windows with this." Sabi nya habang nakaturo sa tela sa paanan nya. Ibinaba ko na ang gamit ko sa sahig since wala namang pagpapatungan. Ipinatong ko talaga ang bag ko sa bag ng iba. Baka madumihan, bagong bili eh.

Kumuha ng mono block ang mga lalaki para maikabit ang kurtina. Isang tela palang ang gamit ay ang dilim na. Matapos matakpan ang mga bintana sa left side ng room ay dun naman sa right side kung nasaan makikita mo ang corridor. Ikinabit nila ito. Sa kalokohan ng isa kong kaklaseng lalaki ay pinatay nya ang ilaw sa room. Hindi kami magkaalaman since wala na kaming makita dahil sobrang dilim. Pagkabukas ng ilaw ay ang isa kong kaklaseng lalaki ay hawak-hawak yung putol na ulo kanina. Pero  ngayon ay naka-extend ang kamay nya habang hawak-hawak ulo at ilang inches lang ang pagitan nun sa mukha ng kaklase naming babae. Umirit ito na naging dahilan ng pagtawa namin. Kahit si President na seryosong nagkakabit ng Yema wrapper na kulay red sa ilaw kanina ay natatawa din. Naghabulan naman ang dalawa, dahil nga pasikot-sikot ay nahihirapan yung babae sa paghabol.  Sumuko na lang ito at tinulungan kaming takluban ang mga plywoods ng itim na tela. Nagsimula namang ilabas ng mga kaklase ko ang mga Halloween decor. Kumuha sila ng anim na Jack lanterns yung kalabasa na may hugis na mukha. Nag-paint sila habang nakaupo sa mga dyaryo. Ang gagaling nga eh. Parang nagdudugo yung Jack lanterns. Yung isa kong babaeng kaklase ay kumuha ng isang plywood para gawing sign. She painted something on it. Busy kami sa pag gagawa ng booth ng bumukas ang pinto namin.


"Ahh! Geez!!!" Napatawa kaming lahat sa naging reaction ni Sir Ryan. Sya kasi yung pumasok at bumungad sa kanya ang apat na putol na ulo. And it really looks real. Kapag nga naka-design yun sa bahay hindi ko tinitingnan eh. Iniikot nya ang paningin nya habang tinitingnan ang buong classroom. Umikot pa sya sa maze.

"To be honest with you guys, eto ang pinaka maganda at pinaka nakakatkot na booth na nakita ko habang papunta ako dito."  Nakangiti pa sya at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang beywang.

Pagkatapos nun ay umalis sya dahil meron pa daw syang gagawin. Hindi nagtagal ay natapos na rin kami sa paglalagay ng black curtains, yung mga fake blood, yung ilaw though isang ilaw lang gagamitin namin yung kulay red. Balak kasi namin na kalahati ay walang ilaw dahil kandila ang magsisilbinh ilaw sa kabilang side ng room. Ang astig nga eh. Nag lunch na kami since patapos na kami. Ang gagawin na lang namin ay ilalagay ang mga decor katulad ng TV, yung mga katawan ng naputulan. Yung  mga kamay na may tali. Yung mga scary mannequin. Meron pa nga kaming duplicate ni Annabelle at Chucky.

Pfft... Mukhang magiging masaya 'to. I can't wait for tomorrow's event. I can barely hide my excitement.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now