Chapter 54

446 14 0
                                    

Lex's PoV

Lumipas ang ordinaryong araw. Sinusungitan pa rin ako ni Aize kapag may nagagawa akong mali. Nagreklamo nga ako sa kanya na kung bakit nya ako binabatukan minsan, ang tanging sabi nya: "Mabuti yan sayo. Ang tigas kasi ng ulo mo. Tsaka pwede ko nang gawin yan sayo dahil pinsan naman kita."

Geez... Ang hard nya sakin. "Mukhang wala ka ng pakielam kapag may estudyanteng makakakita na magkasama tayo ah." Inakbayan ako ni kuya habang naglalakad kami sa isang corridor sa school. Tinutukoy nya yung mga babaeng ang sasama ng tingin sakin. Akala mo naman mga sawa at handa akong lamunin ng buo.

Hindi ko sya pinansin. At nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang marating namin ang isang hallway na naghihilay sa dalawang corridor ay napatigil kaming dalawa. "Susunduin ka ni Ghed mamaya. Sasabay ka sa aming mag lunch, kung gusto mo isama mo na rin si Crisha at ang iba."

"Wag mo na kaming ipasundo, pupunta na lang kami." Sabi ko at umalis na. Kahit naman ayaw kong sumama Kay na kuya kumain hindi naman maaari. Napagusapan na kasi namin yun ni Papa kagabi. Kung ako ang tatanungin ayaw ko talagang sumabay, pero dahil utos iyon ni Papa ay wala akong magagawa kundi sundin ito. Umakyat ako sa third floor kung nasaan ang classroom namin. Bawat classroom na nadadaanan ko sa floor na iyon ay napapatingin sakin. Ang iba ay napapalapit pa talaga sa bintana habang nakatingin sakin.

-_-

Nang makarating ako sa pinto ng aming classroom ay kumatok muna ako dahil nakasarado makaraan ng ilang segundo ay binuksan ito ni Sir Ryan. "Tinanghali ka ata ngayon Lex."bati sakin ni Sir at pinapasok ako. "Pasensya na Sir Ryan, I overslept today." Tanging sabi ko. Totoo naman kasi, dahil sa hindi ko kayang sirain ang alarm clock ko ay tinanggalan ko na lang ng battery. "Okay lang Lex, basta sa susunod hindi na ah?" Tumango ako sa kanya at pumunta sa upuan ko. Pagkarating ay nangunot ang noo ko. Naupo ako at tiningnan si Crisha na natutulog sa tabi ko. Dahil sa malalaking tao ang nasa harapan namin ay hindi kami kita kung matulog man kami.

"Okay class, pag uusapan natin ang mangyayaring event sa Ashton University." Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko na naging dahilan ng pag gising ni Crisha. Umayos sya ng upo at nagkusot ng mata. Nang tumingin sya sa akin ay tinuro ko ang unahan kaya napatingin sya doon. Napanguso sya at itinuro ang nasa ulo ko. Pagtingin ko ay suot ko pa pala ang aking sombrero. Mabilis kong inilagay ang sombrero ko sa ilalim ng desk at nadako ang tingin ko kay Aize. Pinanliitan nya ako ng mata kaya umiwas ako ng tingin. Take a note to yourself Lex. Huwag mag suot ng sombrero kapag may klase. Nakakadala na kasing magsuot ng sombrero kapag may klase. Laging nasasamsam at nakakalima na syang sombrero sakin! Kainis tuloy nabawasan, 145 na lang ang sombrero ko.

"Itong darating na linggo ay napag usapan ng Supreme Student Council na mag buo ng banda. Bukod ang Senior sa inyong mga  Juniors."

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now