Chapter 83

345 9 2
                                    

Crisha's PoV

Ang galing talaga mang agaw ng lalaking 'to. Nakawin ba naman ako sa iba.

Ayoko ng umasa. Ayokong bigyan ng kahulugan ang ginawa nya dahil alam kong sa huli masasaktan lang ako. Oo at break na sila ni Wendy at alam ko ding may reserba sya para lang dito. Hindi naman sya nawawalan ng reserba dahil lahat ng babae sa campus naging girlfriend nya lahat. Oo lahat talaga, maliban lang siguro sa mga unattractive sa paningin nya.

Babalik na sana ako kay Eron ng pigilan nya ako.

"Look I-"

CLANK!!

Pareho kaming napalingon sa pinang-galingan ng ingay. Napahawak ako sa aking bibig matapos ang makita.

Si Lex ay nakapatong kay Clyde na para bang pareho silang natumba. Pero mukhang itinulak ni Lex si Clyde dahil sa nangyari.

"Baby!"

Napatakbo kaming dalawa ni Rav nang makitang nandoon na ang Star Section at ang Black D.

"Lex."

Hinawakan ko si Lex at inilalayan. Muli akong napatingin kung saan sila naka-pwesto kanina noong sila ay nagsasayaw.

Hindi na visible ang damuhan dahil natatakpan na ito ng red paint.

Is this one of the pranks of the Queens? Well if they did, they should think something else. Nabaling ang tingin ko sa tatlong stainless steel bucket na pinaglagyan ng red paint na ngayon ay natumba na.

"This is planned." Gyliard muttered habang nakatingin sa taas kaya napatingin din kami. Tama sya. There's a lot of rope dangling in the tent's support. Iyon siguro ang nag hold sa mga bucket sa taas. Bakit hindi ko napansin yun. Kaya naman pala. You're really a sharp one Lex.

"Haha haha haha haha!"

|•|•|•|•|•|

Third Person

Ang lahat ay napatingin sa flat form kung saan nandoon ang mga Queens. Matapos ang naging aksidente ay nagsimula ng magbulungan ang ibang estudyante.

"Ano na namang kalokohan 'to Sherry?!" Hindi na napigilan ni Clyde ang pagsigaw dahil alam nyang ang Queens ang may kasalanan ng lahat. Kahit si Seath na pinagkakaguluhan kanina ng mga babae ay pumunta sa tabi  ng kapatid para pakalmahin ito. Samantalang si Eron ay nagmamasid lang sa kapatid.

"Wala naman Clyde. Ang hampas lupang iyan ang may kasalanan ng lahat!" Tugon nito na nakaduro pa kay Lex. Biglang sumama ang timpla  ni Eron matapos ang narinig ngunit wala syang nagawa dahil nakatingin sa kanya si Lex.

"Wala namang ginagawang masama sa inyo si Lex ah." Angal ni Jaeidy. "Tsaka sa mga ipinapakita nyo. Mukhang nagseselos kayo kay Lex dahil sa paghangang natatanggap nya na noon ay para sa inyo."  Segunda ni Rav na ikinakulo ng dugo ng Queens.

"Oo tama ka! Kinuha nya lahat ng atensyon na para samin dapat! Kami ang Queens kaya kami dapat ang laging napapansin pero simula nang dumating ang tomboy na yan lahat ng para sa amin ay nawala. At nang dahil sa tomboy na yan nagkaroon ng lakas ng loob ang makati nyang best friend para agawin ka kay Wendy. Kaya lahat na nangyayari sa school ay kasalanan nya!" Nag-iigting na bagang na bulyaw ni Delaine.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon