Chapter 12

583 16 0
                                    

Lex's PoV

Damn it!

My Monday is already ruined thanks to those are jerks. Alam ko naman sila ang may pakana ng mga ito eh. Some students throw me some flour and eggs, kulang na lang asukal at pwede na akong i-prito. Geez, its so sticky. Nagulat naman ang mga kaklase ko ng pumasok ako sa room. Buti na lang at wala si President kung hindi le-lecture-an na naman ako nun. Lalo akong maba-bad trip pag nagkataon. Sinalubong agad ako ng mga kaklase ko at tinatanong kung ano daw ang nangyari sakin.

"Nothing, those hooligans called Black D. ordered the students to throw something at me." Bigla naman silang nanahimik sa sinabi ko. So, takot sila sa mga ulupong na yun?

"Hayst, Nako Lex wala kaming magagawa jan. Kapag nakialam kami siguradong madadamay kami. Hindi lang yun, ayaw naming ma-kick out. But don't worry, kami ang bahala sayo kapag may nangyari. Sa ngayon ay magpalit ka muna, baka makita ka ni Pres." Tinulungan ako ng mga kaklase ko na mag punta sa CR hindi na sumama ang mga lalaki since hindi sila allowed. Tatlong babae ang kasama ko. Ang isa ay nililinis ang bag ko dahil mayroon din ito, ang isa naman ay nasa locker nya at may kinukuha. Pumasok ako sa shower room at tinanggal ang suot kong uniform. "Lex, akin na yang uniform mo. Ipa-plastic natin tsaka mo dalahin pauwi." Walang reklamo ko itong binigay sa kanya. At nagsimula na akong maligo. "Lex gamitin mo muna uniform ko. Nakasabit na jan sa racker malapit sayo para madali mong makuha. Maiwan na namin kayo ni Ellan."

"Okay."

Busy ako sa pagsasabon ng katawan ko ng marinig na may magsalita.

"Buti na lang at hindi pa tuyo yung itlog, siguradong mahirap yun tanggalin." Sya siguro si Ellan. Nahiya naman ako sa sinabi nya. Ako dapat yung naglilinis ng bag ko at hindi sya pero hindi ko naman sinabi sa kanya linisin nya.

Ano ba yan.

Nagsimula na akong mag banlaw. Pagkatapos ay nagpatuyo ako gamit ang towel at sinuot ang uniform. Pagkalabas ko ay sumalubong sakin ang mga kaklase ko na tahimik at nakatingin sa unahan. Biglang may sumitsit kaya napalingon ako malapit sa upuan ko. Teka, sya yung isa sa mga tumulong sakin ah. Tinuro nya ang upuan ko sabay nguso sa unahan. Pagtingin ko ay may teacher sa unahan at nagsusulat sa black board.

I tiptoed towards my seat. Mahirap na, ang terror kasi ng teacher na 'to. Tahimik akong umupo at kinuha ang isang libro sa ilalim ng aking desk. Lumingon ako sa aking katabi.

"Thanks for helping me earlier." She smiled at me. "Mahirap kalabanin ang Black D. kaya nandito lang kami kapag may nangyari sayo, tutulungan ka namin. Tsaka kayang manipulahin ng Black D. ang lahat ng tao dito." Sabi nito habang nagsusulat. Ayaw kong magsulat, tinatamad ako.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now