Chapter 86

338 8 0
                                    

Crisha's PoV

"Baliw ka ba? Akin na nga yan!"

"Gago! Akin 'to!"

"Akin ka dyan! Walang iyo!"

"Ikaw ang walang iyo!"

"Merong akin! Akin yan!"

"Akin sabi yan eh!"

"Akin nga!"

"Akin!

"Hindi! Akin!"

"Akin!"

"Akin!"

"Would you two shut up!"

Napa-facepalm na lang ako kay Rav at Kioji na may pinag aagawan na kung ano. Kung hindi pa pumagitan si Gyliard sa kanila ay mukhang mag kakaroon ng riot. Tama nga si Lex, mga abnormal nga ang mga 'to.

"Are we there yet?" Napasimangot tuloy ako sa katabi ko. Kanina pa sya nagtatanong ng ganyan kada isang oras. Kapag hindi ako nakapag pigil ihahagis ko ang batang 'to sa labas ng sasakyan. Kinurot ko ang ilong nya kaya napahawak sya sa kamay ko.

"Aww! Ate Crish stop it!"

"Ang ingay mo kasi eh." Sabi ko sabay bitaw sa kanyang ilong. "Pfft... You look Rudolf the red nose reindeer."  I laugh at him. Hinawakan nya ang ilong nya sabay pout sakin. "Ikaw kasi eh." He mimicked copying my tone earlier.

I look behind me and saw the three girls taking a nap. Dapat nga hindi sasama si Angelia dahil kailangan daw sya ng parent nya sa Cebu dahil sa business nila. Psh! As if. Gusto nya lang umiwas kay Kioji na nagpapahiwatig ng kanyang pag ibig. Kung hindi pa namin sya ki-kidnappin hindi talaga sya sasama.

"We're here."

Lumabas agad ng sasakyan si Seath bitbit ang kanyang gamit ng sabihin iyon ng driver. He's really bored during the trip and his whines making my ears bleed. Ginising ko na yung tatlo sa likod at sabay sabay kaming lumabas ng van. Kukunin na sana ni Kioji ang gamit ni Angelia para sya ang magdala ng iniiwas nito ang kanyang bag at naunang mag lakad. Pfft... Better luck next time Kioji. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking likod bago mag lakad sa white sand. Nakita kong nakarating na si Seath sa may malaking bahay at kumatok. Maya maya pa ay may babaeng nag bukas ng pinto at halatang nagulat pa sya sa batang bumungad sa kanya.

"Lex!" Sigaw ko at nagtatakbo sa kanya. "Tsk! Parang kahapon lang mag kasama sila. Akala mo naman ilang taong hindi nag kita." Rinig kong bulong ni Clyde. Lumingon ako sa kanya at patalikod tumakbo. "Inggit ka lang!" Dinilaan ko sya at tuluyang tumakbo. Narinig ko pa ang pag tawa ng apat habang inaasar si Clyde.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon