Project 2

5.7K 110 0
                                    

"Good morning beb!" Bati sakin ni Pie pagkalabas niya ng kwarto.

Hindi ko siya pinansin. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa tv kahit wala naman magandang palabas. Palipat lipat lang ako ng channel.

I'm still mad. Hindi nila alam kung ano klaseng hassle ang binibigay nila sa akin tuwing aalis kami. Buti nalang tinutulungan ako ni kuyang guard magbuhat paakyat kung hindi nako, iniwan ko na sila sa lobby. Sanay na din si kuya sa akin kasi hindi naman 'to first time.

Natatawa nalang nga siya tuwing uuwi kaming tatlo at ako lang ang hindi lasing.

Napatingin ako kay Pie nang tumabi siya sa akin sa sofa habang hawak 'yung bowl of cereals niya.

"Uy maganda yan!" Aniya.

Tinutukoy 'yung palabas. Tinigil ko ang paglipat at hinayaan siya manood. Hindi naman ako ganun kasama para ilipat since sinabi na nga niyang maganda.

Si Kate hindi pa lumalabas malamang tulog pa. Ang dami ba naman ininom.

Nakikinood lang din ako ng tv hanggang sa magtanong siya kung anong nangyari kagabi.

"Nothing much. Just saw you kissing with some random guy. Ayaw mo pa nga umuwi, eh. And I'm thinking kung dapat ko ba sabihin kay Kirk ang nakita ko. What do you think?"

"You've got to be kidding me! Sympre hindi!" Sigaw niya, tapos napaisip siya at sinabing, "Pero gwapo ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Aba't nakuha pang magtanong kung gwapo! Nung nakita niya 'yung reaction ko agad naman niyang binawi 'yung sinabi niya.

"I mean, bakit hindi mo ko pinigilan! Hin-"

Biglang nagring 'yung phone ni Pie. Nataranta siya nang nakita niyang si Kirk 'yun "Oh my God! Does he know? Shit.."

Napatingin siya sakin na para bang tinatanong ako kung anong gagawin. Tinignan ko din siya ng not-my-problem look at nagkibit balikat.

Pangalawang tawag na niya sinagot 'yung call. Naghesitate pa siya nung una kung sasagutin ba o hindi. Huminga pa siya ng malalim bago ito sinagot. Halos gusto ko nang matawa.

"Uh, good morning din..kakagising ko lang..oo..okay bye, see you later. I love you."

"Taksil!" Sabi ko pagkababa ng phone. Sasagot pa sana siya nang mapatingin kami sa kakalabas lang ng kwarto na si Kate. Magulo pa ang buhok at sapo ang kanyang ulo.

"My head hurts," Reklamo niya at sumalampak sa sofa. "Hangover's really a bitch!"

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Puna niya kay Pie na nakasimangot.

"Wala! Argghhh, ewan!" Sagot ni Pie at sinabunutan pa ang sarili.

"Bakit ba? Ano palang nangyari kagabi?"

Ayan, ganyan sila palagi kinabukasan after maglasing. Minsan magtatanungan pa silang dalawa tapos magtatawanan nalang kasi walang nakaalala.

"You got so wasted last night. As in totally wasted!" Sagot ko which is true naman.

"Nothing weird happened right?" Tanong niya sakin.

Ngumiti ako. Naramdaman kong kinakabahan siya sa isasagot ko. Well, this is the deal when you have a boyfriend, limited 'yung actions mo. One of the reasons kung bakit ayoko pa. 'Yung last kasi na naging boyfriend ko sobrang possessive at strict. Dinaig pa parents ko!

"Yup." Nang nakahinga na siya ng maluwag tsaka ko tinuloy 'yung sinabi ko, "I don't know if you can consider this as weird but you just danced with a guy lang naman. By the way you looked so sexy back there!"

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now