Project 5

4.5K 82 1
                                    

"Ewan ko nga! Ano? Tanong mo na!"

"Bakit ako? Ikaw na! Ikaw naman may gusto makaalam." 

"Gusto mo din kaya! By, ikaw na." Rinig kong sabi ni Pie kay Kirk.

"Pare, ikaw." Pasa naman ni Kirk kay Ivan.

Kanina ko pa naririnig ang bulungan nilang apat sa tabi ko. Gusto ko nang matawa sa kanilang apat kasi pasahan sila ng pasahan. Ayaw pa itanong eh alam ko naman na ako 'yung pinaguusapan nila. Hinarap ko sila at pinanliitan ng mata.

"Ako ba yan? Spill. Bilis, habang nasa mood ako sagutin yang tanong niyo." Sabi ko.

Nakita ko silang nagtinginan sandali tapos nagsikuhan kung sino ang magtatanong. Tumaas ang kilay ko, itatanong lang ang aarte pa!

"3...2..." Bilang ko, I was about to say 1 nang biglang magsalita si Kirk.

"Tsk," Napakamot pa siya sa ulo niya at tumingin kay Pie bago ako hinarap. "Tinatanong kasi nila-"

"Anong nila! Ikaw din kaya." Sabat ni Pie at pinalo si Kirk sa braso.

"Why don't you ask then?" Hamon ni Kirk kay Pie.

"Kaya nga. Sabi ko nga ikaw na, go!" Bulong naman ni Pie at hinalikan pa si Kirk sa cheeks.

Ang cute talaga ng dalawang 'to! Palagi nalang silang ganyan. Cutest couple talaga!

Tumikhim si Kirk bago nagsalita, "Tinatanong kasi nila," Tumingin muna siya kay Pie kung magrereklamo pa bago nagpatuloy, "Kung bakit kanina ka pa ngiti ngiti dyan. Good mood ka ata?"

Gusto kong matawa. 'Yun lang pala hindi nila matanong! Akala ko naman ano na.

"Ha? Hindi ah, I'm always like this. Weird niyo!" Sabi ko at itinuon ulit ang atensyon ko sa movie na pinapanood namin.

Sa totoo lang. Yes, I'm extra happy today. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because of Kirk's news when he got here. Narinig ko kasi ang usapan nila ni Kate kanina na baka hindi na makapunta si Jace kasi may family something daw.

So I guess it's Jace free day today!

"I'm ready! Let's go?" Sabi ko paglabas ko ng kwarto ko.

Tumingin si Ivan sa wrist watch niya, "Look who's excited?"

"It's merely 9pm! Sino ba may sabing ayaw pumunta ng maaga kasi boring?"

"Oo na! Maki texted me kasi sabi niya madami nang tao so we should really go na." Sabi ko.

"Since when did you get so excited with parties?" Narinig ko pang comment ni Kate bago kami tuluyang umalis.

Hindi na ako nagdala ng car since I planned to drink tonight. Mahirap na magdrive baka mabangga pa ako! Nakisabay nalang ako kay Kate.

Dinig na dinig ko ang lakas ng tugtog sa lugar kahit na nasa loob pa kami ng kotse. Open area kasi sa second floor nito at kitang kita ko ang iba't ibang kulay ng ilaw.  

"Wow, kudos for Maki for this big event!" Comment ni Kate pagkababa namin ng sasakyan.

Nakita ko na rin ang kotse ni Kirk na nakapark hindi kalayuan ng amin.

Inayos ko ang suot kong skirt at cropped top bago pumasok sa loob. Tinatakan pa kami ng VIP sa left hand bago kami tuluyang nakapasok.

Nakita ko kaagad si Maki at iba pang kakilala ko kaya nagpaalam muna ako at agad ko silang nilapitan.

"Hey! Congrats for this successful event." Sabi ko sabay beso sakanya at kumaway sa mga kasama niya.

"Thanks!" Tapos ngumuso siya. "Ay, bawal ka dito sa event ko! Ang ganda ganda mo kasi. Natatalbugan ako!" Maarteng sabi niya sa akin at marahan akong tinulak na tinawanan ko lang. 

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon