Project 8

3.7K 66 1
                                    

"Ano, Fort after?" Yaya ni Kate sa amin while finishing her food.

To be honest I don't really like the idea of going there after. Anong sense kung hindi naman ako pwedeng uminom. I'm actually serious with our deal here.

"Where to?" At inisa isa ni Pie ang mga bars doon.

I don't mind where we're going basta okay na 'yung alam kong malayo kay Jace ang pupuntahan namin.

"How about Raven? I heard they have this event tonight." Suggest ni Kate.

"Great! Tutal hindi pa tayo nakakapunta doon." Ani Pie at bumaling sa akin, nagkibit balikat lang ako.

Nakarating kami around 11:30. Marami nang tao because of the event and because it's Friday! Hindi pala pwede makapasok ang mga walang reservations kasi puno na. But since Pie knows many people nakapasok kami.

We ordered a bottle of Jack Daniels, our favorite drink.

"Hindi ka talaga iinom? 'Di namin 'to mauubos!" Reklamo ni Kate.

A deal is a deal. Nagisip pa ako ng magandang dahilan para hindi na uminom. Hindi ko lang masabi na nakipagdeal ako dahil paniguradong aasarin nila ako lalo na the part when he kissed me!

Ano bang malay ko na baka 'yung katabing table pala namin eh kakilala ni Jace. Kanina pa kasi tingin ng tingin parang binabantayan ako!

Umiling ako, "Pass, besides I'm driving us home." 

Nagreklamo pa sila pero wala din silang nagawa. 

I checked my phone kung nagtext nanaman ba si Jace. Panay kasi ang text niya sakin simula nang makuha niya ang number ko all because of that game! May dalawang messages doon, una kong binasa ang kay Chyna, classmate ko. Namove daw ang deadline ng pasahan ng project. Good. Because wala pa akong gawa.

Second is from Jace. It says, "No drinking tonight."

Nanlaki ang mata ko at tumingin tingin sa paligid ko, paano niya alam? No, imposible! Baka nagkataon lang. Sabi ko sa sarili ko.

Pwede na talaga siyang manghuhula sa Quiapo! Napamura ako sa gulat nang may kumalabit sa akin galing sa likod.

"Ay gulat na gulat lang?" Asar niya sa akin

"Sabi ko na nga ba ikaw yan! Legs palang ikaw na ikaw na!" Sigaw ni Maki sa akin. Nakaskirt kasi ako.

He is here! "Maki! Why are you here? Sinong kasama mo?" Tapos tinignan ko sila Pie na nagsisimula sumimsim sa Jack nila, inggit tuloy ako. Nanlaki ang mata ko, "Don't tell me ikaw ang nagorganize nitong event!"

Tumawa siya na parang nakakatawa ang sinabi ko. Minsan talaga naooffend ako sa bading na 'to! Hinampas pa niya ako, "Ano ka ba! Hindi naman ako ganun ka-big time. Invited kami because friend ko ang nagorganized nito!" Bumaling siya kela Kate at Pie, "Kayo lang? Why don't you join us nalang there para masaya!" Maarteng sabi niya.

Malaki ang grupo nila at mukhang masaya kaya pumayag kami. Mga sampu sila at halos puro lalaki sila kaya tuwang tuwa ang bakla. Isama na si Pie at Kate. Well, ako na din! Kasi mukha talaga silang mga models.

"Bakit hindi ka umiinom?" Napatingin ako sa katabi ko, his name is Rev, para sakin siya ang pinakagwapo sa kanila. You know gwapo pero may pagkabad boy ang dating, moreno, may matangos na ilong at ang malalalim na mata.

Umiling nalang ako, "Bakit, pinagbawalan ng boyfriend?" Nakangisi niyang tanong. I mentally approved, pinagbawalan oo, pero ng isang hindi ko naman close na kaibigan.

"She doesn't have a boyfriend, Rev. Viv is very single and ready to mingle!" Singit ni Kate na narinig ang tanong. 

Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa sinabi ni Kate. Buti nalang at medyo madilim kung hindi nakakahiya talaga!

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now