Project 48

2.5K 58 3
                                    

What I hate the most is ‘yung tipong magigising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Imbes na makatulog pa ako ay nagigising ako.

“Hello?” Antok na antok kong sinagot ang phone kong kanina pa tumutunog. Anong oras na ba at may tumatawag na sa akin.

Wala pa akong tulog because we partied last night and now someone is disturbing my sleep! Ugh.

Ibababa ko na sana ang phone when no one answered pero napahinto ako nang may tumikhim galing sa kabilang linya.

Kahit na tikhim palang ay kilala ko na ang boses! Napadilat ako sa gulat at tinignan ko pa ang caller. Shit!

Inayos ko bigla ang boses ko at nagpasalamat na hindi ko namura ang caller.

“Pasensya na hija, naistorbo yata kita.”

“Hindi po. Okay lang po.” Mabilis na sagot ko, “Uhm, bakit po pala kayo napatawag?”

“Can we talk?”

Lihim akong napatawa dahil kung si Jace ito, paniguradong makakatanggap siya sakin ng sarcastic na sagot but since this is his dad, yes ang tanging nasabi ko. Wala rin naman kasi akong choice kung hindi ang pumayag.

Gusto kong matulog dahil mamaya pa kaming hapon magkikita pero dahil sa sobrang kaba at takot kong malate sa usapan ay hindi ako makatulog. Lumabas nalang akong kwarto at naabutan kong nagbibreakfast ang dalawa habang nanonood ng tv.

“Channing is so sexy!” I heard Pie said.

“And Alex! Kumpleto na ang umaga ko.” Malanding sabi ni Kate.

Sumalampak ako sa sofa at nakinood ng Magic Mike sa kanila. Isa ito sa favorite namin dahil ang sexy nilang dalawa! Pero wala ako sa mood manood ngayon.

“O, aga mo?” Pie asked, “May lakad kayo ni Jace?”

I sighed, “Yes but not with Jace. It’s with his dad.”

Biglang napaubo si Kate at muntik nang maibuga ang hot chocolate na iniinom niya.

“What? Why?”

I shrugged, “Don’t know..hindi ko nga alam kung pano nakuha ni Uncle ang number ko.”

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang paguusapan namin. To think na tinawagan pa niya ako para kausapin. Siguradong hindi alam ‘to ni Jace.

Seryosong tao kasi ang dad niya. Hindi kami masyado close ng daddy niya dahil mas close ako kay auntie. Pag nandun kasi ako sa bahay nila ay hinihila na agad ako ni auntie for girl talk kaya hindi kami nakakapagusap ni uncle. Palaging hello o bye lang.

Jusko! Help me!

“…that’s why.” Sabi ni Pie, “Hey! Are you listening?”

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now