Project 17

3K 55 0
                                    

Ito ang kinatatakutan ko, ang marealize niya na hindi naman talaga niya ako gusto. Kasi kung gusto niya ako hindi siya mageenjoy kasayaw 'yung babae! Nageenjoy lang siyang asarin at inisin ako! 'Yun lang!

Mukhang mas nagenjoy pa siya sa kasayaw niya nung isang gabi eh! 'Nung nakaraang gabi pa 'yun pero pakiramdam ko kanina lang nangyari ang lahat. Sa tuwing pipikit ako ay makikita ko pa rin silang dalawa. Kung pwede lang ay hindi na ako pumikit gagawin ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkalabas ko galing ng CR, hindi ko na sila nakita ulit sa pwesto nila. Baka umalis na siya kasama 'yung babae? Hindi ko alam! God knows where they went and what did they do! Ayaw kong malaman kung anong ginawa nila, kung paano sila nagkakilala o kaya kung anong pinagusapan nila.

But then again, who am I? Wala naman pala akong karapatan makielam. I'm just his friend! A friend na iniiwasan niya. Diba dapat sinusuportahan ko siya sa mga gusto niya?

Hindi ko siya tinext at hindi rin talaga siya nagtext sa akin! Dati naman ay itetext pa rin niya ako kahit na hindi ako nagrereply. Gusto kong isipin na nagsawa na siya kakakulit sa akin. That's it! Are we over now? Kahit friends ay hindi na pwede?

Humiga nalang ako sa kama habang niyayakap ang unan ko. Ang sakit lang isipin na wala pa ngang kami tapos over na agad.

Ang huling text namin is days before pa, ilan days lang 'yun pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na!

"Hey, you awake?" Text ko nang tanghali na ay hindi pa rin siya nagtetext. Kadalasan kasi ay gising na siya ng mga 10 at magtitext na siya sa akin ng good morning.

Inaabangan ko ang reply which goes for 10 minutes per text or more.

"Kanina pa."

Nung nabasa ko 'yun, hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman, ibig sabihin ay ayaw lang niya ako itext. Mabilis akong nagtype ng reply ko.

"What are you doing?"

I can't believe i'm asking this type of question! So high school, we don't asked each other these type of questions kasi palagi naman kaming maraming pinaguusapan. Err- or maraming pinagaawayan? For me, ang mga nagtatanong lang ng ganitong tanong is 'yung mga walang mapagusapan.

Of course ang tagal ko nanaman nagantay ng reply niya.

"Wala."

Do I really deserve this kind of reply from him? Ang tagal kong naghintay ng reply niya pero yan lang ang sinabi niya! Ni hindi man lang ako tinatanong pabalik.

"Ahh, may problema ba Jace?"

Kinabahan ako sa sarili kong tanong, kahit text lang 'yun ay sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. I waited for his reply..

"Wala.."

Hindi na sana ako magrereply dahil nauubos na ang pasensya ko at ayaw kong awayin siya, okay lang sana kung matagal lang siya magreply kaya lang ay wala ding sense ang message niya. Nagulat ako nang nagtext siya ulit and it says,

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now