Project 29

2.7K 60 1
                                    

Napanganga ako sa tanong niya. Seryoso ba siya? We have been together for months tapos kasal agad? Besides, college pa lang ako at hindi ko pa naisip mga ganyan bagay, ano! Pwede ba pagkagraduate ko na? Joke.

Tawang tawa siya sa sarili niyang kalokohan habang ako ay nakasimangot sa kanya.

"What's so funny?" Medyo naiirita na ako kakatawa niya. Hindi rin namin matuloy ang game dahil tawa siya ng tawa.

Tumikhim siya para pigilan ang tawa niya, "Wala."

"Pero ayaw mo ba talaga ako pakasalan?" Tanong niya ulit. Hinampas ko siya ng nakita kong unan na agad niyang naagaw sakin.

"Biro lang! 'To naman!"

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Konti nalang ang mga natirang cards at hindi pa ako nananalo. Feeling ko talaga pwede na siya magpart time sa Quiapo bilang manghuhula.

Nang nanalo ako ay tuwang tuwa ako! For the first time. Grabe, ang sarap sa pakiramdam! It seemed to take forever for me to win a hand! Naalala ko nung naglaro din kami dati ng ganito sa condo ay muntik na siyang mapikon sakin. That was the time na pikon na pikon pa ako sa kanya. Kahit makita lang ang mukha niya ay naiinis na ako!

"Hmm," Magtatanong pa lang ako ay biglang nagring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin kaya lang ay ayaw nito tumigil sa pagtunog kaya sinagot ko nalang. Tsk, wrong timing naman!

"Hel--"

"Oh my God!" Napapikit ako at nilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko dahil pakiramdam ko ay mabibingi ako. "Just read the text. Tell me Jace is just joking!"

I turned the phone call into a video call at tinawag ko si Jace na abala sa panonood sakin habang nakaupo sa kama.

Hindi ko alam kung bakit gising pa ang dalawa kong kaibigan. Dalawa lang yan, e. It's either kauuwi lang nila from somewhere or aalis pa lang sila dahil bihis na bihis sila.

"Hi." They both waved at Jace sa video. Samantalang ako sinalubong ni Pie ng sigaw. Minsan nga mas kinikilig pa sila sa akin pag si Jace ang napaguusapan.

Nakita nilang sumimangot ako sa video tsaka lang nila ako pinansin, "We still love you, girl."

"Sayang lang at hindi ka kasama. We'll go somewhere around BGC tonight." Ani Kate. Hindi ko makita ang panghihinayang sa mukha niya although she said na sayang dahil hindi ako kasama.

"Pero, totoo ba, dyan ka talaga matutulog?" Sigaw nanaman ni Pie. Nasabi ko na bang minsan may pagkaOA magreact 'tong si Pie!

Tinignan ko pa si Jace before answering, "Yes."

"Oh my God. Akala ko joke lang! Wait, process ko muna.."

Natatawa nalang kaming dalawa kay Pie.

Sinaway ni Kate si Pie, "'Wag ka ngang OA dyan, as if naman ikaw 'di ka pa nakatulog sa bahay ni Kirk--"

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon