Project 32

2.6K 52 1
                                    

Hindi ko alam kung ano nanaman kinagagalit nitong si Jace ngayon samantalang kanina ay nasa mood pa siya asar asarin ako. Naging ganyan lang siya simula nung may nakita siya tapos ay pinuntahan namin si Aria sa dorm niya.

"Don't be too hard on her." Mahinahon kong sabi bago pa siya tuluyang magalit.

"No," Sabi niya sakin at tsaka lumingon ulit kay Aria.

"Kung hindi pa kita nahuli ay wala kang balak sabihin sakin.." Nakapameywang niyang sabi samantalang nakatunganga ako dahil hindi ko alam kung ano ang problema niya. Hindi ko naman din magawang magtanong dahil baka pati ako ay masigawan niya lang.

Pinapagalitan niya si Aria dahil apparently may nanliligaw dito ngayon, hindi ko alam kung ako lang ba pero halatang hindi siya pinakikinggan ng pinsan niya habang pinagsasabihan niya ito.

Ewan ko ba naman dito kay Jace! College na si Aria at ang laki laki na niya para pagalitan pa niya ito dahil lang sa isang manliligaw!

Kung dati ay pinangarap kong magkaroon ng isang kuya, hindi na ngayon. Seeing Jace like this made me think twice. Partida pa dahil pinsan lang niya si Aria tapos ganyan na siya kung makareact, what more kung kapatid niya pa 'to! Kawawang Aria, baka hindi na magkaroon ng boyfriend!

Nakaupo ko silang pinapanood habang bored na bored ang itsura niyang nanonood sa galit na expresyon ni Jace. Pagkatapos ay bumaling siya sakin at ngumuso at tumingin ulit kay Jace.

Alam na alam ko 'yang ganyan tingin dahil madalas rin namin yan gawin ni Kate sa tuwing hihingi kami ng tulong sa isa't isa pag nagsimula nang magrant si Pie.

Hinawakan ko ang braso ni Jace, "Hayaan mo na, manliligaw lang naman. Don't overreact!" Matawa tawa kong sabi to lighten up the mood.

Pero walang nagawa ang tawa ko, in the end naging awkward lang lalo dahil sa tawa ko kaya nanahimik nalang ako ulit.

Hindi ako sigurado kung ano ang problema pero isang bagay lang ang sigurado ako. Hindi gusto ni Jace ang lalaking pumoporma dito kay Aria kaya siya nagkakaganyan!

Huminga siya ng malalim bago bumaling sakin, "Paano ko hahayaan kung nalaman kong si Kevin ang pumoporma sa kanya? Tell me."

Napanganga ako sa narinig ko. Hindi ako sigurado kung sinong Kevin pero isang Kevin lang naman ang kilala ko at nanliligaw siya kay Aria? Ano, paano nangyari 'yun? Parang last time na nakasama ko siya ay may pinopormahan pa siya, a.

Ang alam ko ay hindi uso ang manligaw sa kanya dahil babae na mismo ang lumalapit sa kanya. Pero ngayon, nanliligaw siya kay Aria?

Wait, come to think of it..matagal na rin pala nung huli ko siyang nakita. Ang akala ko ay nakikipagdate lang sa mga flavors of the week niya. 'Yun naman pala..

No wonder Jace is so mad.

"See? Now tell me. Kilala natin yang si Kevin. He won't do anything good." Seryoso ngunit mahinahon niyang sabi sakin.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon