Project 21

3.4K 59 0
                                    

Of course! This is no dream lalo na nang hawakan ni Jace ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. If there is one thing that I've learned it is do what makes you happy. And that's what I did. Kaya sobrang saya ko and I can't even explain how happy I am right now.

Neon lights all around the place, loud music, awesome people. This is life!

Legit naman palang magpaparty kami, napaaga lang ako ng bihis kanina! Well, I do look good in the video, minus the crying part lang.

"Hey. Ayaw mo bang makisali sa kanila?" Nilingon ko ang taong nagpulupot ng braso sa baywang ko habang tinuturo sa akin ang nagsasayaw na sila Maki at Pie sa gitna.

"I'm enjoying here!" Lingon ko dito.

I was sitting in the bar watching all my friends enjoy. Their hands up in the air while dancing to the beat. I love watching my friends laughing and shouting because it makes me happy. Okay na ako doon. Pero naisip ko minsan kailangan mo rin makisama para mas magenjoy so I pulled Jace's hand and lead him to dancefloor.

I made sure that my moves matches the beat. Well, I dance well. Kung sabagay, everyone in the bar dances well kasi kahit hindi ka marunong basta magenjoy ka lang! Nasa baywang ko pa rin ang kamay ni Jace. That made me smile. Pansin ko kanina pa ako ngumingiti. I remembered the last time that we're supposed to dance, may ginawa siya tapos hindi na siya bumalik!

This is my first dance with him. Funny, sa bar pa talaga and this bar is also where I first met him! Mas hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko at hinapit palapit sa kanya.

"I love you." Bigla bigla nalang siya nagsalita. Malakas ang tugtog pero rinig na rinig ko ang sinabi niya. Napatigil tuloy ako sa pagsayaw dahil ang lapit lapit niya sakin at kung ano ano pa ang pinagsasabi niya.

"Are you drunk?" Pangaasar ko pa when I really want to say I love him back.

"Why, can't I say I love you to my girlfriend?" Pinagdiinan pa niya ang salitang girlfriend at mas nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Kitang kita ko na 'yung mahaba niyang pilit mata at amoy na amoy ko na siya sa sobrang lapit niya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya dahil baka bigla nalang ako mahimatay sa sobrang kakiligan.

Hindi na niya ako pinagsalita dahil pinaglapat na niya ang labi niya sa labi ko. And our first kiss!

Wait, no, it should be second kiss. Whatever, it's still our first kiss here.

Napapikit ako nang naramdaman kong gumalaw ang labi niya sa labi ko. Naramdaman kong napangiti siya kaya napangiti na rin ako at tutugon na sana nang biglang may nagflash na camera sa amin.

"Gotcha!" Tumatawa si Maki while looking at her Iphone na may picture namin! "Proof. So the guys won't flirt with you kasi sasabihin kong taken ka na at ako hindi pa!" Bitter talaga forever 'tong si Maki sa akin!

"Maki!" Sigaw ko dahil sa sobrang pagkahiya kay Jace. Umakbay sa akin si Jace habang humahalakhak. "It's okay, Viv..send mo yan sa akin, ah." Pahabol pa niya with the wiggling of the eyebrows bago tumalikod si Maki para mag boy hunting ulit.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon