Project 49

2.8K 53 0
                                    

It's been days since nung makausap ko si Uncle. Everything is fine. In fact, too smooth for my liking. 'Yung tipong sobrang gentleman ni Jace, pinagbibigyan niya ako sa lahat. Of course, okay 'yun pero iba talaga, e! Parang hindi kasi si Jace.

Everything was so..I don't know..scripted? Hindi kami nagaaway over petty things like before and I can say that it's pretty boring.

I miss our fights, those times when we argue over little things. To be honest, I miss bickering with him. Hindi ako sanay na mabait siya sa akin, hindi ako sanay na gentleman siya, hindi ako sanay na hindi kami nagaaway. I like him as Jace. ‘Yung Jace na kilala ko dati. At hindi ‘yung Jace na nagpapagood shot just because he wants me back.

Today was an ordinary day for me. Nothing special. Nasa kwarto lang ako with my Ipad on my bed. Tinakpan ko ng unan ang aking bibig para hindi ako masyadong marinig nila Pie habang nagsisigaw ako.

Grabe, hindi ko kinakaya ang napapanood ko.

Sisigaw pa lang sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya naipause ko ang pinapanood ko.

"Bakit?" Angat ko ng ulo kay Pie.

Nakapameywang siya habang tinitignan ako, "May tinatago ka bang lalaki dito? Kung makasigaw ka dyan!"

Tapos pumasok siya sa kwarto ko to check kung may tinatago ba ako. We both know na wala dahil kung meron man makikita niya agad ito dahil sa liit ng kwarto ko.

Hindi ko mapigilan hindi matawa sa itsura ni Pie. Nagtakip na nga ako ng unan pero wala pa rin effect! Wag na nga lang.

Tinabi ko ang unan para makaupo si Pie sa kama ko at sinilip ang Ipad ko.

“What are you watching?”

Nanonood kaming dalawa at mas malakas pa ang tili niya sa akin.

“Oh my God! He’s so sexy!”

“Now you know.” Ngisiko sa kanya.

Pinlay niya agad ang pinapanood ko kanina at nakinood siya.

“Hey! Masakit na, a. Nakakarami ka na!” Reklamo ko at kinuha ang unan, I’ll use this as my shield.

Paano ba naman! Itong si Pie every time na kikiligin ay hahampasin ako! Kawawa naman si Kirk ditto! Masyadong violent! Hindi niya ako pinansin dahil nakatuon lang ang buong atensyon niya kay Brian. ’Yung magaling na dancer. Yeah, nanonood ako ng choreo niya kanina pa at masasabi kong super galing niya sumayaw!

Bahala si Jace! Ayaw niya magparamdam edi ‘wag niya.

Gusto ko talaga sa isang lalaki ‘yung magaling sumayaw. That’s a major plus points for me. Kasi dancer ako so gusto ko dancer din. But there is an exemption in everything, right? I don’t know if Jace can dance. I’ve never saw him dance. Well, I don’t care!

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now