Project 22

3K 62 0
                                    

Hindi pa man ako nakakasagot ay sinimulan na niya ang story niya, pinanood ko siyang magkwento, diretso lang ang tingin niya sa tv namin. Nasabi ko na bang lalo siyang gumagwapo kapag seryoso siya?

"Once upon a time.." He started, niliitan pa niya ang boses niya. 'Yung tulad sa mga pinapalabas sa disney. "There was a very very handsome boy name Jace--"

"Yabang!" I commented.

"Ayan ka nanaman, e. 'Wag nalang kaya?" Lingon niya sa akin. Sumandal ako ulit sa balikat niya at nagpatuloy siya.

"So, there was this very handsome boy. But he is very snob, actually he don't talk to everyone. Then he met a princess--"

"Erika, Erika Reyes!" Inunahan ko siya kaagad at natawa nalang siya sa akin dahil sa enthusiasm ko, natawa na rin ako kasi para akong kindergarten na may star pag tama ang sagot!

"Yeah, her name is Erika. You're quite a stalker, huh?" Aniya sa isang malambing na boses atsaka sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Whatever! Kwento na." Sabi ko bago pa ako makatulog.

"Alright." Tawa niya, "As I was saying, masungit 'tong si handsome boy tapos si princess naman, she is the exact opposite of him. She's jolly, palagi siyang nakangiti and she's friends with almost all of the people.."

Napapangiti nalang ako dahil gustong gusto niya 'ung handsome boy.

"Then?"

"Tapos palagi niyang kinukulit si boy, she always wanted to see him smile. As days passed, unti unti sila nagiging close dahil sa kakulitan nung girl. Only the princess can make that handsome boy smile like no one else could. Then one day, the boy found out that he is starting to like this girl."

Pinapanood ko na siya ngayon habang nagkukwento siya. I don't want to say anything and interrupt his thoughts because I love how his lips curve while he is telling the story to me. He looks...I don't know, happy! And I can't help but to be happy for him.

"Of course, because the handsome boy is too charming and adorable, the princess fell for him too."

"You mean, ikaw." I teased. Kakaiba talaga ang self-confidence ng isang 'to!

He glared at me and ignored me habang tinutuloy ang kwento niya. Napakagat nalang ako sa labi ko, I don't even know kung humihinga pa ba ako dahil alam kong parating na sa climax ang 'story' niya.

"They are so happy together. When they are together, never a dull, hindi sila nagsasawa sa isa't isa kulang nalang pagdikitin na sila dahil palagi silang magkasama. People even wonder kung nagkakahiwalay pa ba sila."

"Then one day, here comes the time when nagkahiwalay na nga sila. The princess had an accident pero walang nagawa ang prince niya. All he did was to blame himself for what had happened to the princess."

"Anong nangyari?"

"Car accident. She was..drunk driving." Halos hindi niya masabi ang huling salita.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon