Project 25

3.1K 64 0
                                    

I didn't know na magiging ganito kababaw ang first fight namin. I mean, sanay na ako na palagi kaming nagaaway. That's a given. Kahit nung naging kami na palagi pa rin kami nagtatalo pero hindi ko inakala na magaaway talaga kami dahil ayaw kong makipagkita sa kanya!

Tinatamad kasi talaga ako nung day na niyaya niya akong umalis. Hindi niya kasi maintindihan 'yung point ko! Ayaw ko rin siya papuntahin dito sa condo dahil wala naman gagawin at tutunganga lang rin kaming dalawa.

"Ayaw ko lang naman na mabored siya sa bahay!" Sigaw ko kela Pie. Kanina pa kasi nila ako pinipilit na makipagbati na and kanina ko pa rin ineexplain ang point kong hindi nila magets.

"I just want to see her, bro! Mali ba 'yun?" Rinig kong sigaw ni Jace galing sa kabilang table. Hindi ko alam kung pinaparinig ba niya talaga sakin 'yun o naiirita na rin siya tulad ko dahil sa lakas ng pagkasabi niya or hindi rin kasi siya magets ng kaibigan niya.

Yea, magkaaway kami pero magkasama kami sa iisang lugar! Mukhang pinagkaisahan nanaman kasi kaming dalawa. My friends dragged me here at mukhang ganun rin siya dahil halatang nakapambahay pa siya. Nandito kami sa cafe na madalas namin tambayan.

Buti nalang at wala masyadong tao kaya naman ay nakakasigaw sigaw kami, kundi nakakahiya pa sa mga tao at machismis pa kami bukas sa school!

"Look, Viv. Madalas kaming tumatambay sa bahay lang and masaya naman kami! Never magiging boring kung kasama mo naman ang taong mahal mo!" Paliwanag sa akin ni Pie.

"True. And besides, narinig mo naman..he said he just wanted to see you pero ayaw mo!" Ani Kate. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagegets ng mga kaibigan ko.

Kanina pa nila ako pinapagalitan. Ang akin lang naman pag madalas nagkikita madaling magsawa diba? Halos 1 week na kaming palaging magkasama at ayokong magasawa siya sa akin at magsawa ako sa kanya.

Sumulyap sila sa likod which is table ng mga boys nang bigla silang nagtawanan habang pinapaligiran nila si Jace. Pinagbabati talaga nila kaming dalawa!

"Dude, ang corny mo pala!" Narinig ko ang boses ni Gabriel na ginatungan pa ng ibang boys. Gustong gusto ko nang lumingon pero hindi ko magawa. Galit ako!

"Gago! Hindi kasi ako babaero tulad niyong dalawa ni Kevin!"

"Aba, bakit pati ako nadamay!" Reklamo ni Kevin. Napapangiti tuloy ako sa usapan nila dahil imbes na pagbatiin kami ay pangaasar pa ang inaatupag nila! Boys..

Natigil ang pakikinig ko sa usapan nila nang tinapik ako ni Kate. Kitang kita ko ang nakakaasar na ngiti nila na parang nahuli nila akong nakikinig sa usapan ng mga boys.

"Dito ka makinig, 'wag don!" Sabi ni Kate. Bigla tuloy ako nahiya! "Alam mo kasi, hindi naman kailangan palagi kayong may ginagawa para maging masaya kayo, e. Minsan kahit titigan mo lang siya masaya ka na."

"I totally agree, Kate! Totoo yan!" Pinalakpak pa ni Pie 'yung kamay niya and I can say that agree na agree siya doon!

Napaisip ako, minsan, tignan ko lang siya masaya na ako. I mean kahit hindi kami magusap okay na 'yung araw ko basta makita ko lang siya. Minsan nga mas gusto ko pa 'yung tatambay lang kami sa kotse niya, magsasountrip lang 'yung tipong walang nagsasalita tapos bigla nalang kaming mapapangiti dalawa.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now