Project 40

2.6K 50 1
                                    

Pag nagawa ko na 'yung mga sinasabi ni Allen, the end game is to make him confess. Pero paano ko naman magagawa 'yun kung siya mismo ay hindi ako tinutulungan sa gusto kong mangyari.

I know that I need to start moving kung hindi ay walang mangyayari. That's why I need Allen. Hindi naman sa ginagamit ko siya. I'm sincere, I wanted us to be friends at napatawad ko na rin siya and I'm quite enjoying his company. Well, err, sometimes. Only those times when he's not that annoying.

What am I waiting for right? Puputi lang ang buhok ko at hanggang sa pumuti na ang uwak ay walang mangyayari kung maghihintay lang ako na marealize ni Jace ang lahat. That's when I thought that I needed to do something about it.

A plan with Allen wouldn't hurt and is ten times better than nothing. Even though sometimes Allen is really annoying the hell out of me.

Pero ilan days na ba namin sinasagawa ni Allen 'yung plan na according to him will work pero wala pa rin kaming progress.

Maybe meron pero sobrang konti lang na hindi ko matawag na progress.

Kahit na hindi ko alam ang dahilan ng pakikipagbreak niya sa akin ay okay lang sa akin na tanggapin siya ulit pabalik. Life is all about second chances right?

Sumalampak nalang ako kama ko nang wala akong maisipan na gawin. Wala na ngang stress sa acads pero ang boring naman ngayon! What to do.

Minsan pala nakakamiss din 'yung may kumukulit sayo atleast hindi ko nafifeel ang boredom. Tumayo ako at lumipat naman ako sa salas namin at doon nagisip ng magagawa.

Wala na akong ginawa kung hindi ang pagpalipat lipat ng channel dahil naghahanap ako ng magandang palabas!

"Baka masira naman ang tv natin niyan, girl!" Comment ni Kate nang nakita akong palipat lipat ng channel sa tv.

Pati siya ay hindi makanuod dahil sa pinaggagawa ko. Kasalanan ko ba kung bored na bored na ako at walang magandang palabas?

"Bahala ka na nga dyan!" Tawa niya sakin pagkatapos ay tumayo pero bago siya pumasok ng kwarto ay nagbilin siya sa akin na late siya uuwi dahil magdedate daw sila ni Ivan!

Si Pie ay kanina pa umalis. Kinidnap siya ni Kirk dito! Bigla bigla sumusulpot ang loko para mangidnap ng girlfriend! Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero mukhang Tagaytay dahil suot ni Pie 'yung pullover na pinahiram ko sa kanya. Akala ko ayaw niya eh hindi na nga niya binalik.

Ayun, ako lang ang naiwan. 

Si Allen naman ay may date din! Ano ba yan! Lahat nalang ng tao nagdedate! 

Niyaya ako ni Nicole na sumama sa kanila pero sympre hindi ako pumayag. Minsan na nga lang sila magkita tapos eeksena pa ako! Nakakahiya din noh!

Biglang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Allen doon. Speaking of the devil..

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now