Project 3

4.7K 98 1
                                    

Of course I was just joking when I said party ulit. Ayoko pumarty lalo na pag kasama sila. And wala ako sa mood maginom but since sineryoso nila, fine. I'll go.

I was torn between black or gold nail polish when someone knocked at my door. Hindi ko pinansin kaya diretso siyang pumasok at umupo sa kama ko.

"Gold looks better." Sabi niya.

Pero gusto ko 'yung black. But since gold sinabi niya, sige na nga. Next time nalang 'yung black.

"Ang tagal mo naman." Reklamo niya nang ang bagal bagal ko. Kanina nagcutics ako ngayon naman pumipili ako ng susuotin ko tonight.

"Easy, ang aga pa! Besides wala pa naman sila Kirk." Sabi ko. Nakita ko siyang umirap bago inayos ang pagkakaupo at nagcross legs.

"Beb. We have been waiting for you for an hour! Ang usapan, 10, it's past 11 na kaya! Kanina pa sila nandun." Sabay hawi sa bangs niya.

Kasama namin sila Kirk tonight kasi birthday naman daw niya bukas so salubungin nalang daw namin. Obviously idea of his girlfriend, Pie. Kaya ayan naghihimutok, hindi makapaghintay makita 'yung boyfriend niya.

Medyo nagulat ako kasi ang tagal ko na pala talaga. Sympre kailangan okay 'yung itsura ko dahil sigurado akong makikita ko si Jace dun. Kirk is with us and of course he owns that bar. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na he owns that. He is what? 20? 21?

"And kanina pa dun 'yung mga friends ni Kirk! Tayo nalang inaantay." Dagdag ni Pie.

Pagdating namin dun, totoo ngang kanina pa nila kami inaantay kasi nakita ko na halos maubos na nila 'yung isang bote ng Jack at isang Black tapos may bote rin ng beers.

"Sorry. Viv, e." Narinig kong sabi ni Pie kay Kirk. Nagkunyari akong hindi narinig. Oo na, ako naman talaga.

Binati ko rin ang mga kilala ko sa lugar. Luminga linga ako pero hindi ko siya nakita! Kung alam ko lang hindi na ako sumama. Akala ko ba siya may ari nitong bar pero bakit wala siya.

Wait lang, why am I even looking for him?

Isang malaking paikot na sofa ang pwesto namin at medyo gilid kami kaya kitang kita ko lahat ng tao. Medyo marami na ako nainom kasi kung kanina medyo nabobored ako, ngayon feeling ko medyo sumasabay na ako sa tugtog.

Hindi ko na napansin na Pie and Kate are nowhere to be found. Probably with their boyfriends na.

Minsan ang sarap sa feeling ng nakainom, 'yung wala kang inaalala. Masaya ka lang.

Kanina pa ako kinakausap at pinapainom ni Ron, teammate ni Kirk. Kung balak niya akong lasingin, sad to say he failed. Eh mukhang mauuna pang malasing 'to sa akin! Pulang pula na siya at nakasandal na siya sa may sofa. Natatawa nalang ako sa itsura niya.

I was already tipsy, sympre. Hindi naman ako as in super lakas uminom. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang remix ng favorite song ko. City of Dreams. Ahh, I really love this song.

Nagpunta ako sa gitna, kung saan maraming sumasayaw dala dala ang baso ko na may laman na Jack. Sinasabayan ko pa ang kanta nang biglang may kumuha ng Jack ko.

"Hey-" Magrereklamo pa lang ako nang bigla siyang nagsalita na nagpatahimik sakin dahil sa familiar na boses niya at sa binigay niya sa akin.

"Here, ito lang ang sayo." At inabot sakin ang iced tea na may lemon sa may baso.

"I'm not driving tonight." I said.

"Drive or not, you've had enough." Sagot naman niya.

Sumimangot ako, "I don't know what's your problem sa mga iniinom ko, pero kung problema ka, problema mo na 'yun!" Sigaw ko at akmang kukunin ang baso ko pero bigla niyang ininom lahat ng laman nun. 

Bottoms up! Medyo puno pa ang laman nun. Napanganga ako sa ginawa niya. Pagkaubos niya, winagayway pa niya 'yung baso sa harapan ko.

"There. Now, if you want something to drink, yan ang inumin mo." Turo niya sa iced tea na binigay niya sakin.

Naaasar na ako dito, ah! I might have a crush on him but now I changed my mind. I don't see any problem with me drinking. First, hindi ako allergic. Second, I know my limit and third, this is my life. We are not even close to begin with! This is just the second time na nakita ko siya, noh.

I was about to open my mouth to say something but decided to just keep my mouth shut. I'm on a bitch mode and I'm pretty sure matatarayan ko lang siya kaya umalis nalang ako doon at bumalik sa pwesto namin.

Padabog akong naupo. Nakita ko pa si Ron na lasing na lasing sa tabi habang pinagtritripan ng iba nilang kaibigan.

Lalo akong nainis dahil dala dala ko pa rin 'yung iced tea. Okay na sana eh, gwapo siya kaya lang pakialamero.

Napansin ko na rin ang kaninang wala na sila Pie.

"Bro, happy birthday!" Napairap ako sa boses na narinig ko. Of course nandito siya, siya ang kaibigan.

"On the house na." Dagdag niya.

Hindi ko alam kung mabait siya o sadyang mayabang lang. I bet all of this is no less than 20k.

"Woah! Seryoso ka ba dyan?"

Tapos narinig ko nalang na nagsisigawan na sila sa likod ko. So on the house nga.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan sila. Well, still holding the juice.

Nagkatinginan pa kami saglit kaya inirapan ko siya na tinawanan lang niya. Bumaling ako kay Kirk to say my greetings at bineso ko siya.

"Uy thank you, thank you. Oo nga pala," Sabay hila niya kay Jace na nasa tabi niya "Teammate ko—"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya isinaksak ko na kay Jace 'yung juice niya, tutal sa kanya naman galing 'yun! Medyo natapon pa nga pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang is to get rid of that juice dahil naiirita ako! Buti nga hindi ko binuhos sa kanya eh.

"Woah! Magkakilala na pala kayo. Nice." Medyo nagtatakang tanong ni Kirk sa amin habang nagpapabalik balik ang tingin. Tapos dumapo ang mata niya sa iced tea na ibinigay ko, kumunot ang noo niya habang pinapanood ang kaibigan niyang iniinom 'yung iced tea.

"Iced tea? Seryoso ka ba?" Parang nakakadiri 'yung iced tea sa tono ng pagtanong ni Kirk tapos natawa nalang siya at nailing nung hindi siya sinagot ng kaibigan dahil busy'ng busy siya kakainom ng iced tea niya.

"Kirk, can you tell your friend to get a life?" Sabi ko kay Kirk.

Naramdaman ko ang tingin sakin ni Pie, sensing na naiinis na ako. Nagmake face nalang ako at tumahimik.

"Wooh! Let's party! Inom pa!" May kung sinong sumigaw sa likod. Narinig ko din ang boses ni Kate sa likod.

Nawalan na ako ng gana. Hindi na ako nakapagenjoy sa party dahil sa sobrang pagkakaasar ko sa kanya. Paano ba naman, diba inubos na niya 'yung iced tea kanina? Nagorder siya ulit ng bago at inilapag sa harapan ko.

Sa tuwing susubukan kong uminom ng something alcoholic aagawin niya 'yun sa akin tapos siya ang iinom then ituturo niya 'yung juice. Ipapakita pa talaga niya sakin 'yung basong wala nang laman. Kung hindi ba naman nangaasar diba.

Or pag binibigyan naman ako ng mga teammates niya, titikhim lang siya tapos babawiin na ng teammates niya. Seriously? He is not even my friend or worst boyfriend tapos ganyan siya?

Kung kanina party'ng party ako, hindi na ngayon dahil nasira na ang gabi ko nang dahil sa iced tea! Imagine? Pati amats ko natanggal na sa sobrang inis ko. All because of that Jace and his iced tea!

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now