Project 38

2.6K 59 1
                                    

Naging masaya ang mga naging araw ko nitong nakaraan dahil alam kong affected pa rin si Jace sa mga ginagawa kong pagsama sama kay Allen. For me ay wala naman masama kung magbonding kami dahil matagal din kami hindi nagkita at nagpansinan.

First is our reunion party, ayaw ko sanang pumunta kaya lang ay mapilit si Allen at pupunta daw sila Pie at Kate. Alam kong maraming may ayaw sa amin tatlo nung high school kami pero wala na silang nagawa kung pumunta kami. Nakita ko pang masama ang tingin ng ilan dahil nakitang kasama ko si Allen.

The hell I care basta kami nagsaya kami dun sa party, kasalanan na nila 'yun kung hindi sila nagenjoy.

Second time na magkasama kami ay 'yung pinakilala niya sakin 'yung nililigawan niya. Nicole is a nice girl Maganda rin siya at mabait. Mabilis kami naging close at hindi siya tulad ng iba na hindi na agad ako feel dahil ako ang ex.

Nung nalaman niya 'yung ginawa sakin ni Allen ay pinagalitan pa niya 'to. Nakakatawa nga siya dahil ang liit lang niya pero tiklop si Allen sa kanya.

Nalaman 'yun ni Jace lahat dahil sinadya ni Pie na sabihin kay Kirk dahil alam niyang makakarating iyon kay Jace. But hindi niya sinabi na may nililigawan na si Allen kaya mainit pa rin ang ulo ni Jace kay Allen.

I must admit, minsan sinasadya ko ang pagsama sama kay Jace. Ito lang ang larong sigurado ako na ako ang mananalo. Kung ito lang ang paraan para marealize ni Jace ang mga dapat niyang narealize dati pa ay gagawin ko.

Naabutan ko si Jace na nagaantay sakin sa labas ng classroom after ng huling klase ko which hindi niya ginagawa dati.

Pagkakita niya sakin ay umayos siya ng tayo bago ngumiti sakin.

Damn that smile and that dimple!

"Wala ka nang class, right? Tara lunch!" Anyaya niya sakin.

"Okay, with?" Tanong ko.

Naghesitate pa siya nung una bago nagsalita, "Just..us." Medyo nahiya pa siya dahil pagkatapos niyang sabihin na kami lang ay lumipad ang kamay niya sa batok niya. Habit na niya 'yun pag nahihiya siya.

"Ay, tayo lang? Next time nalang. May kasama na kasi ako maglunch, e. Sorry." Sabi ko kahit hindi naman totoo, sa katunayan uuwi na dapat ako dahil wala naman akong naisip na dapat gawin.

That's what you get for breaking up with me!

Humakbang na ako paalis nang pinigilan niya ako. Nakita kong pinagtitinginan kami ng iilan estudyanteng dumadaan samantalang ang iba ay walang pakialam sa dalawang taong naghihilaan sa hallway.

Nahagip ko ang mga tingin nila. Siguro ay iniisip nila kung bakit magkasama nanaman kami samantalang break na kami. Mga tao talaga minsan hindi ko maintindihan, hindi ba kami pwedeng maging friends?

"Wait up! Kung gusto mo isama natin sila Kate." Suggestion niya.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now