Project 13

3.4K 65 1
                                    

Hindi doon natapos ang pagiging awkward ko kay Pie, halos buong gabi ay hindi ako makatingin dahil sa tuwing titignan ko siya ay pinapanood niya ako. Sinusuri ang bawat galaw ko.

"Wag nang maarte. Suotin mo na!" Bigay niya sa akin ng jacket na kinuha niya kanina sa kotse niya.

Nasa may bandang labas kasi kami na inuman kaya medyo malamig. Kanina pa ako nilalamig pero ayaw ko talagang suotin dahil naiilang ako! Magtitiis nalang ako.

 "Just..wear it, Viv." Ani Pie sa isang malamig na tono. Wala na din akong nagawa kaya sinuot ko na.

Ako lang ba o talagang ayaw niya na nagiging close kami ni Jace? Weird..

"Ang lamig, ang lamig talaga!" Rinig kong sabi ni Jace sa tabi ko, 'di ko siya pinansin. Nakita ko pang nirub niya ang kamay niya na para bang lamig na lamig.

"Oo'nga eh! Ang lamig. Parang ang sarap pag may kayakap!" Parinig ni Kevin tapos uminom sa beer niya. "Tayo nalang magyakapan, p're!" Ani Gabriel ay nagkayakapan sila doon!

Hindi ko napigilan hindi matawa sa ginagawa ng mga kaibigan niya. Kanina pa yan sila ganyan!

Buong gabi silang nagparinig at buong gabi rin akong nailang sa mga titig ni Pie.

xx

Back to school, assignments, exams, terror profs. Ganun pa rin. Walang nagbago. Pero may isang nagbago, ang pakikitungo sa akin ni Pie at ang pagiging close namin ni Jace.

Alam kong ganitong oras ay break niya dahil palagi kaming tumatambay dati, minsan milk tea, minsan sa pav lang kwentuhan habang inaantay si Kirk pero ngayon ang sabi niya may class daw siya. Iniiwasan ba niya talaga ako? Ugh!

Hindi ko alam kung okay ba na sa ganitong sitwasyon ay kasama ko si Jace na tumatambay sa pav pero ang kapalit naman ay ang paglayo sa akin ng kaibigan ko. Hindi ko rin matanong kung what's wrong with her. Kung wala lang siyang boyfriend ay iisipin kong type niya si Jace.

Pero hindi  kaya lalo akong naguguluhan.

"A penny for your thoughts?" He interrupted.

Nakaupo siya sa tapat ko. Tinitigan ko siyang mabuti..hinahanap kung ano bang meron sa isang Jace at siya ang naging dahilan ng hindi namin pagiging maayos ni Pie ngayon.

Tinagilid ko pa ang ulo ko, pero wala akong makita. Wala naman meron sa kanya besides sa pagiging gwapo niya. Hay, ang tanging nakikita ko lang talaga ay ang mukha niyang lalong gumwapo nung nagpagupit siya.

Ginaya niya ako at tinagilid din niya ang ulo niya bago nagsalita, "Alam kong gwapo ako, pero 'wag mo akong titigan, baka matunaw ako!" He joked, pero imbes na matawa ako ay sinimangutan ko lang siya.

Maling mali talaga na nakipagkaibigan ako dito, eh! Unang una palang dapat alam ko na, na walang maganda maidudulot sa akin ang isang Jace!

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now