Project 42

2.6K 55 0
                                    

Ang bilis ng panahon. Parang last time lang we were talking about the hearts day tapos ngayon 14 na.

Today's the most exciting day for all the couples out there and the most dreadful day for singles like me. Pero kahit na single ako, I always loved this day. Maybe I'm just not bitter.

"Ang aga natin, a? Talo nanaman si Ivan, tsk!" Sabi ko kay Kirk nang maabutan ko siya sa living room namin bago ako pumasok sa school and there, lie beside him is a big bouquet of red roses. As in malaki, it's not just an ordinary bouquet na makikita mo dahil parang pinasadya ito dahil may pangalan pa ni Pie sa gitna.

Habang nagsasapatos ako ay may inabot siya saking isang stem ng rose. May naalala tuloy ako bigla, dati ay palagi akong nakakatanggap ng ganito!

"Happy Valentine's Day!" He winked at me.

"Sweet!" I commented before heading out the unit. Kahit na palagi kaming nagtatalo ni Kirk ay sweet pa rin siya sakin at hindi niya nakakalimutan bigyan ako ng rose tuwing Valentines.

And as I was waiting for the elevator, si Ivan naman ang nakita kong palabas. Binati ko siya.

"Good morning! You're late! Kirk's already there!" Tawa ko. "I know," He tsk-ed.

Nakasimangot man ay may kinuha siya galing sa bag niya at inabot sakin ang isang box ng chocolate bago naglakad papasok ng unit.

"Thanks, Ivan!" Pahabol kong sigaw.

Tsaka ko lang napansin na may dala siyang malaking paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.

Naalala ko kung paano magunahan ang dalawa sa pagpunta every Valentines. Ewan ko ba naman dito sa dalawang 'to! Panigurado ay si Kirk ang pasimuno nito dahil hindi naman magiisip ng ganitong kawalang sense na bagay si Ivan.

They never missed a Valentines na wala sila dito sa condo tuwing umaga. Minsan ay tulog pa ako nandito na sila. I'm sure magaasaran nanaman sila mamaya sa loob dahil nauna si Kirk and by looking at Ivan's face he wasn't very happy na natalo nanaman siya ni Kirk.

Last year kasi nauna din si Kirk because his place is nearer at mas less traffic ang dinadaanan niya. Madaya talaga!

As much as I want to witness Ivan's face, late na ako kaya nagmadali na ako.

Of course, hindi na ako nagulat sa dami ng nagbebenta ng bulaklak, balloons, mga bears at kung ano ano pang may kinalaman sa araw na ito sa labas ng campus.

Pagpasok ko naman ay may nakita akong grupo na nag gigitara sa may pav. People can go there to request a song they want them to play. Last year ay nakawitness ako ng surprise sa school.

Apparently, she is my blockmate and she was surprised by her boyfriend. Magkakasama kami nun and we're on our way to our next class when suddenly students from the lobby started singing their theme song. Akala namin coincidence lang so we continued walking but nafeel namin na parang kami talaga 'yung kinakantahan. And true, there they were.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now