Project 16

3K 65 1
                                    

Dumaan ang ilang araw na walang Jace sa buhay ko. Kaya ko naman pala, kaya naiinis ako sa tuwing may magsasabi na ikamamatay nila pag iniwan sila ng boyfriend o girlfriend nila. Kalokohan! Oo, kaya ko. Pero sobrang boring, tahimik at malungkot ang mga araw na 'yun. I wonder kung ganun rin siya.. 

Ayaw ko man aminin pero namimiss ko na siya. Halos isang linggo na ako walang nakikitang Jace sa paligid ko. Hindi niya ako tinatawagan o tinetext man lang samantalang dati ay palagi niya akong tinetext ng kung ano ano lang. Alam kong iniiwasan niya ako, dahil hindi na din kami nagkikita sa school.

Dahil ba 'to sa sinabi kong friends lang ang gusto ko? I see nothing wrong with us being friends. Atleast ganon we can keep being friends. Pag naging kami then we break up, we can never be friends again.

Tanggap ko naman kung ayaw niya akong makita pero dapat tinext niya pa rin ako. After all, sabi niya friends pa rin kami. Hindi ko naman alam na ang maging friend pala niya ay may kasamang iwasan. Wala man lang warning like 'iiwasan muna kita ha?' Sabi niya gusto niya ako pero paano niya nagagawang tiisin na hindi ako itext at kausapin!  

Ang labo niya! Samantalang ako dito hirap na hirap! I miss him already..

My thoughts was interrupted by Kate.

"Is it s yes? It's the biggest party of the year!"

Hindi ako nagsalita. I know Jace will be there because the gang will be. Or maybe not kasi alam niyang pupunta ako.

"Yup! Like ever! And oh, remember Shan? She will be there. Sabi niya she misses you na."

Shan, cousin ako Pie na naging super close na namin. She was with us nung nag Hong Kong kami kaya naging close namin siya. She is really friendly but since she's already working, minsan nalang kami magkita.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "I want to guys..pero diba alam niyo naman.." Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko, alam ko naman na gets na nila.

"Viv, look, just go with the flow. Ang laki laki ng lugar imposibleng magkita pa kayo dun! Tsaka we got your back, diba Kate?"

Ano ba dapat gawin pag iniiwasan ka ng isang tao? Iwasan din? No.

Pumayag na akong sumama. Naisip ko tama rin ang mga kaibigan ko. Isa pa, gusto ko rin kasing pumarty. Ilan araw na ako nandito sa bahay. I need to go out para hindi ako mabagot kakaisip kung ano na ba ang dapat kong gawin. Hindi naman siguro kami magkikita doon? Kung magkita man kami, good, kasi miss ko na siya.

Maybe tomorrow, just maybe..when I wake up, I already have my mind cleared. Naisip ko rin na pag iniiwasan ka ng isang tao, bakit hindi gumawa ng paraan at ikaw naman ang lumapit?

xx

"Oh my God, Viv, Kate! I missed you guys!" Salubong ni shan sa amin at niyakap kaming dalawa ni Kate. "Akala ko hindi ka sasama. Buti napilit ka nila Pie. Lalo kang gumanda, ah?" Baling niya sa akin.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now