Project 36

2.4K 55 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover at lalo na nung naalala ko ang mga nangyari kagabi. Pero ang tanging naalala ko lang ay uminom kaming tatlo ng uminom habang cinucurse ni Maki ang mga lalaki nang umalis sila Jace at pagkatapos nun ay hindi ko na matandaan. Last night was a blur to me.

Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Hindi na ako nagabalang isipin dahil wala rin akong mapapala at lalo lang sasakit ang ulo ko. Napilitan akong bumangon sa kama kahit na ayaw ko. Papunta na sana akong kitchen para kumuha ng gamot at magtimpla ng something para sa hangover ko pero natigilan ako nang may marinig akong naguusap sa sala.

Sinilip ko muna at nakita ko ang nakatungo habang nakapajama pa na si Kate at si Ivan na may sinasabi. Halatang pinapagalitan niya ito. Malamang ay sinumbong siya nito nila Kirk.

"...kinunsinti mo naman! You should have called me. Paano nalang kung may mangyaring masama sa inyo? Naisip mo ba 'yun?" I heard Ivan said.

Imbes na dumiretso sa kitchen ay tahimik akong bumalik sa kwarto ko, careful not to make a noise. Dahan dahan ko pang sinara ang pinto ko. At bigla kong naisip si Pie.

Right! Ano na ang nangyari sa kanila ni Kirk? Nagaway kaya sila ulit? Lasing pa naman si Pie! Kung hindi nga siya lasing ay sinasabi na niya ang mga gusto niyang sabihin paano pa kaya na lasing siya kagabi?

Gustuhin ko man katukin si Pie sa kabilang kwarto ay hindi ako makalabas. Mamaya nalang siguro pag nakaalis na si Ivan.

Habang nasa kwarto ako ay nagdesisyon akong tawagan si Maki at magtanong ng mga bagay bagay sa kanya. Pero wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya the moment I said hello. Alien language ata ang ginamit niya, pagkatapos niya akong sabihan ng mga alien words ay natulog ulit siya. What the hell?

Naisip ko nalang na hayaan nalang kung ano ang mga nangyari kagabi. Ang mportante ay alam kong nagenjoy ako.

Sabi nga nila, blurred nights are the best nights naman 'di ba?

xx

Sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko kahit na one week na ang nakaraan. Hindi ako mapakali sa bahay dahil baka hindi lang ako makatiis at tawagan ko ulit siya. Dalawang araw rin ako nagmukhang tanga kakatext sa kanya na hindi naman ako nakakatanggap ng reply. Naaawa na ako sa sarili ko sa mga ginagawa ko.

Nagbihis ako at nagpunta sa medyo tahimik na bar para makapagisip isip lang. Ilan araw ko na rin iniisip kung ano ba talaga ang meron sakin at palagi nalang ganito ang nangyayari sakin. Wala na ba akong karapatan makatanggap ng pagmamahal? Kahit anong isip ko ay wala ako makuhang sagot.

'Yun lang 'yun! Hindi man lang niya cinonsider 'yung feelings ko. Basta nalang siyang nakipagbreak dahil ayaw na niya! Just, damn him! No explanations, nothing!

"Bakit magisa ka nanaman? Saan na 'yung boyfriend mo?" Biglaang sulpot niya. The word boyfriend is emphasized.

He is in his usual get up. Leather jacket over a white shirt and jeans. Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya at kinakausap ako. Alam kong nangaasar lang siya pero wala akong sa mood makipagasaran ngayon.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now