Project 50

3.7K 65 0
                                    

I picked my most beautiful and most presentable dress in my closet for tonight. Hindi man niya ako pansinin ay okay lang sa akin basta alam kong presentable ako pag nagkita man kami.

I put on light make up lang dahil ayaw niya na nagmamake up ako. Sinuot ko ang white fitted dress ko at isang nude na heels.

Nagyaya kasi itong si Pie doon sa bar ni Jace bago maglabasan ang grades. Pampawala kaba lang. Naisip ko naman na tutal matagal na rin akong hindi nakakapunta doon at may chance pa na makita ko si Jace doon. Friday ngayon and I know he will be there.

"Are you ready for tonight?" Ngisi sa akin ni Kate at tumango lang ako. "Good. You better be."

"Alright! Tonight's gonna be the night. Let's go girls!"

Anong tonight's gonna be the night pinagsasabi nitong dalawang 'to.

As usual, puno nanaman ang bar niya. Palagi naman, e. Minsan nga hindi na nagpapasok dahil sobrang puno na.

Gaya ng dati, doon kami sa may dulong couch kung saan kita mo ang nangyayari sa buong lugar.

Kanina pa ako palinga linga dahil may hinahanap ako. Ilan days na ba simula nung huli siyang nagpakita sa akin, 5, 6?

Akala ko ba liligawan niya ako ulit? Ano nang nangyari sa panliligaw na sinasabi niya? Ha, ang funny lang. I actually believed him.

"Uy..looking for someone?" Ngisi ni Kate habang inaasar ako.

Napagusapan namin na chill night lang kami ngayon. We don't want to get wasted. Isa pa, natauhan na sila Kate dahil sa nangyari last time.

Lalong umingay sa loob ng bar at kanina ko pa gustong umalis dito sa kinauupuan ko at makisayaw doon sa gitna pero pinigilan ako ng dalawa at sinabing mamaya na kami sumayaw kasi masikip daw at hindi nila type ang beat. Ang dami pang sinasabi!

Maya maya ay biglang humina ang kaninang malakas na tugtog. Akala ko pa ay may nasira sa speaker pero nanlaki ang mata ko nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

No way. Ang kaninang malakas at maingay na kanta ay napalitan ng Rocket!

Agad kong hinarap si Pie pero hindi ko na siya nakita sa tabi ko. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari ay hindi ko napansin na ako nalang pala ang naiwan dito sa couch.

Nag alisan ang mga tao sa gitna to give way sa kung sino man ang dadaan. Nakita ko kung paano nagstand out ang limang lalaki na nasa gitna ng dancefloor.

Kirk, Ivan, Kevin, Gabriel and Jace na nasa gitna. They are all wearing a black suit na akala mo ay aattend ng isang formal event.

Napatingin ako sa nagsalita mula sa stage, "Hi guys! Sorry for interrupting" Tawa ni Ron, "And, Viv, this is for you. Enjoy!"

Nagsimulang sumayaw ang lima nang nagsimula ang kanta. To my surprise, it was Brian Puspos' choreo. As in same na same. Ang akala ko kanta lang, 'yun pala pati sayaw parehas!

Kanina hinahanap hanap ko siya pero hindi ko makita tapos kung kailan hindi ko na hinahanap tsaka magpapakita at may baon pa siyang pakulo!

Right there, alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. It's like bumabalik ako sa araw na 'yun. 'Yung rooftop namin na puno ng petals, 'yung sa rooftop ng hotel nila. Ang pinagkaiba lang ay dito naman ngayon!

Nakangiti ko silang pinapanood dahil seryosong seryoso sila sa pagsasayaw na parang hindi sila pwedeng magkamali. Kung hindi ko alam na players sila ay aakalain kong dancers talaga sila. They dance really well. Parang mga nagdancing lesson simula pagkabata.

Lalo na si Jace. I'm not bias, a. Pero the way his body move, ang swabe kasi ng mga moves niya.

Vinivideohan pa sila ng mga tao na nakapalibot sa kanila. Kinikilig din sila.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now