Project 27

2.9K 47 0
                                    

Tinignan ko ang nagkalat na mga damit sa kama ko. Mga ilan oras na rin akong naghahalungkat ng damit pero hindi ko pa rin alam kung anong isusuot ko. Pag skirt, baka masyadong maarte, pag pants naman, nah, too conservative. T-shirt is also a no, too simple.

Did I mention that pumayag na akong ipakilala ni Jace sa parents niya? Nagsisisi na akong pumayag ako. Akala ko kasi talaga nung una parents niya lang pero kakasabi niya lang sakin kanina na they are having a mini reunion and halos lahat ng mga auntie and uncle niya nandon pati na rin ang mga pinsan niya.

Nasabi na rin niya sa mom niya so I can't back out baka sabihin na sinungaling ako at paasa. Hindi pa nga ako nakikita eh mabad shot na agad ako! Nahirapan pa akong hanapin ang cellphone kong kanina pa tumutunog dahil sa damit na nagkalat.

"I'll be there at 11, okay?" Sabi niya bago niya ibaba ang phone. I glanced at the clock and 9 o'clock na.

"Jace.."

"Hmm?"

"Can I not go?" Tanong ko. Kahit na alam kong hindi siya papayag. Well, nagbabaka sakali lang naman ako. There is no harm in trying diba?

"Why? Look, if you're still worried that my mom won't like you--"

"Jace.."

"--She will not. I love you and she--"

"Jace!" Sigaw ko nang hindi pa rin siya tumutigil sa kakasalita. "I..have nothing to wear!" Sabi ko.

"You what?" Narinig ko siyang tumawa, halos hindi mapaniwala sakin. "'Yun lang? Baby, just be yourself. Simple dress will do."

Bago niya binaba inulit pa niya na susunduin niya ako ng 11 at dapat ready na ako by that time.

In the end, like what he said naghanap ako ng dress na pwede kong masuot but I don't know which should I wear. The pink one or the blue one kaya kinatok ko si Pie sa room niya na busy nakikipagusap kay Kirk.

She likes it pag tinatanong ko siya about sa mga damit ko. She wanted to be a stylist kaya hindi ko alam kung bakit hindi siya nagfashion design.

Bumulong siya sa phone niya bago tumingin sakin, "I think the pink one suits you more. Simple yet elegant. The blue one, maganda rin but too short." She commented at bumalik ulit sa pakikipagusap niya.

"Good luck, beb!" Pahabol niya bago ako nakalabas. May sinabi pa siyang evil queen daw ang mommy ni Jace. Lalo tuloy ako kinabahan! Bwisit na Kirk talaga yan!

Okay, so the pink one it is! Nakakatawa lang kasi si Pie pa ang nagbigay sakin nung blue dress na 'yun on my birthday tapos sasabihin niya too short. Buong akala ko 'yun ang pipiliin niya nung una.

And, i'm done! Light make up lang at tinali ko ang buhok ko para maayos tignan. Lacy pink dress na hindi aabot hanggang tuhod then a white doll shoes.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon