Project 47

3K 57 0
                                    

If you treat a first date like an interview, it will feel like one. Just be yourself and let your personality shine.

Kanina ko po napapansin na may mali but I just shrugged it off until now.

"Isa." I heard him counted. Mas nilayo ko pa sa kanya ang phone niya.

"Grabe ka naman! Tinitignan ko-"

"Dalawa."

"Tinitignan ko lang. Bakit ba?"

"Tatlo."

Kasabay ng pagbilang niya ng tatlo ay ang paghalakhak ko ng malakas at namula ang mukha niya dahil doon. It's my first time to actually see his face red as a tomato.

"You happy now?" Aniya.

"Yup! Couldn't be happier." I teased, "Hindi ko alam na mahilig ka pala magbasa ng mga ganito?"

Then I continued reading and scrolling.

Akala ko nung una ay porn o kung ano pang weird ang nandito kaya ayaw niyang ipakita sa akin. 

Lalo tuloy akong nacurious nung pilit niyang inaagaw sa akin ang phone niya. Actually, magsasalamin lang dapat ako sa phone niya.

But what I saw is weirder and funnier.

"What to do on a first date." I started reading aloud.

"Top 10 places to go on a date." I continued, "10 things men do wrong on the first date."

It was hard controlling my laughter. Lalo na at hiyang hiya siya at hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"You even research?" Tanong ko, "Alam mo, you don't need to do this."

Hindi ko magets kung bakit kailangan pa niyang magresearch ng mga ganito. It's not like wala siyang experience from dating. He's a playboy before for pete's sake!

Paniguradong pagtatawanan siya ni Kirk if they know about this.

Kahit ako ay nagulat sa nakita ko.

He sighed, "This is our first date. I just want to give you the best."

I just want a simple yet fun date. Hindi ko kailangan ng sosyal at magastos na date.

"But you are already enough. Kahit nga dito lang tayo magdamag ay okay lang sa akin!" Biro ko.

Pero totoo, makita ko lang siya kumpleto na ang araw ko. I just need him. 'Yun lang. Minsan kasi iniisip ng lalaki na women are complicated yet in fact, simple things can make them ten times happier.

Then a fun idea hit me. I grinned like an idiot dahil sa naisip ko.

Ang talino mo talaga, Viv!

"Stop the car."

"What?" Nilingon niya ako. This is the first time that he will look at me after ko 'accidentally' makita ang phone niya.

"Dali! Doon, o! Itabi mo!" Turo ko sa bakanteng space sa gilid ng kalsada.

Ayaw man niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang itabi ang kotse.

Nanlaki ang mata niya nang bigla kong kinalas ang seatbelt ko at pababa na sana nang pigilan niya ako.

"Wait, where are you going?" Kinakabahan niyang tanong.

Relax. Inalis ko ang kamay niya at nagpatuloy sa gagawin ko. Umikot ako sa drivers seat at pinababa ko siya.

Lalong nanlaki ang mata niya nang sumakay ako upuan niya. Tignan mo naman 'to makatingin! Hindi ko naman itatakbo 'tong kotse niya.

"Now, what are you doing?"

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon