Project 7

4.1K 85 1
                                    

Gentleman naman pala si Jace, may tinatagong bait rin pala siya. Imagine, bumaba pa siya ng kotse niya last time para lang pagbuksan ako tapos inantay pa niya ako makapasok talaga ng building bago niya ako iniwan.

No wonder patay na patay dito ang dalawa kong kaibigan. Kaya ito sila at kinukulit ako magkwento sa kung ano ang nangyari.

"Ano bang pinakain ni Jace sa inyong dalawa?"

Madalas ko yan itanong sa kanila pero ngingisi lang sila sa akin. I know, I know. Girls fall for his charm. Kahit tignan mo lang siya maiinlove ka na.

"I'm busy, Kate." Hinarap ko sa kanya ang laptop ko para talaga ipakitang busy ako sa papers ko.

'Yung prof ko naman kasi bigla nalang magaannounce na may ipapasa pala bukas. Buti nalang chineck ko 'yung group namin. Nakakainis talaga mga ganyan prof! Hindi sinasabi ng maaga tapos mababa ang ibibigay na grade dahil halata daw na cinram 'yung paper. Hindi lang naman isa ang subjects namin.

"See, just let me finish this. Kwento can wait but my paper can't." Paliwanag ko sa dalawa na nakasimangot habang tumatango. Parang mga itsurang elementary student na kailangan muna gumawa ng homework bago pwede maglaro.

"Don't you have any assignments or exams maybe?" Tanong ko pa. Ako lang kasi ang cramming while sila, ayun chill lang.

"Wag ka na magtanong, wag mo kami intindihan. Tapusin mo nalang yan!" Ani Pie na akala mo concern talaga sa grades ko pero sa totoo lang gusto nila matapos ako agad para makapagkwento na.

"Ang bagal mo! You've been sitting there for hours. Pag gising ko kaninang umaga nandyan ka na naligo na ako lahat lahat nandyan ka pa rin. Kailan mo ba balak matapos?" Lintanya naman nitong si Kate.

Hindi naman ako petiks sa school. Of course I study. Mas pinili kong pumarty nung isang gabi kaya dapat panindigan ko 'to. Pero hindi ko naman kasalanan kung late notice eh!

Sorry, pero right now tama bang hilingin ko munang bumagyo para suspended ang class namin bukas?

"Do you want us to help you?" Sandal ni Pie sa table at sinilip ang ginagawa ko.

"Yah, ano ba yan?" Sumilip din 'yung isa.

"Thanks for the offer guys. Politics, e. Carry niyo ba?" Nakangiti kong sabi. Alam kong paoffer offer lang 'yan pero hindi rin kaya. Business ang major ni Kate at si Pie naman Mass Comm.

Bakit ba kasi nag PolSci pa ako? Ayan tuloy napapala ko. Pero isa lang masasabi ko sa mga gusto rin magPolSci, politics is fun! Really, mukha lang hindi pero fun siya.

"Ay wait, nagtext sakin ni Mik. May assignment kami. Sorry beb. Galingan mo nalang ha?" Kunyaring sabi ni Pie. Tumingin ako kay Kate, "Baka may assignment ka din? Sabihin mo na."

Si Kate hindi alam kung magkukunyari din ba kaya, "Wala noh! Halika Pie tulungan na kita. Since mukhang kaya na ni Viv yung ginagawa niya." At hinila niya si Pie papasok sa kwarto niya.

Napailing nalang ako sa dalawa. Sabi ko na nga ba! Alam na alam ko na yang mga eksena nilang dalawa. Pinagpatuloy ko nalang ang pagreresearch ko.

Sinundan ko ng tingin si Pie na lumabas ng kwarto at patalon talon na pumunta sa pinto. Napairap nalang ako! Of course, nandito nanaman ang mga boys.

Dito pa maglalambingan! Nakatalikod ako sa may pinto at rinig na rinig ko ang ingay ng mga boys.

"Viv! Tara dito. Mamaya na 'yan!" Sigaw ni Kirk galing sa may dining area.

Kaya okay lang rin sakin na nandito sila kasi nagdadala sila ng foods. Like ngayon fried chicken ang trip nila.

"Ano ba! May kakain pa! Patay gutom nito!" Narinig ko ang boses ni Kevin.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now