Project 28

2.7K 66 0
                                    

Kahit na sigurado na akong okay ako sa mom niya ay hindi pa rin ako mapakali.

Tinignan ko ang maid nila na naglagay ng juice sa harapan ko pero hindi niya ako binabalingan. Hindi ko alam kung bakit ako sa kanya humihingi ng tulong e alam ko naman na hindi niya ako matutulungan. Kahit nga nung nagthank you ako ay tanging tango lang ang nasagot niya sakin.

"Um, auntie.." I paused, ano nga ba itatawag ko sa kanya? "..bakit po?" I tried to ask as calm as possible.

"Auntie Elena nalang itawag mo sakin, hija." Sagot niya nang mapansin na parang nagdalawang isip ako kanina. Sinilip ko ang hagdan at talagang hindi bumaba si Jace para isave ako dito!

"Alam mo ba, I was really happy nung sinabi ni Aria na may girlfriend na si Jace, I supposed you already know what happened with his ex girlfriend right? Matagal tagal ko ring hindi nakita ang anak kong masaya.." Sabi niya at hinawakan niya ang isang kamay kong nakapatong sa mesa.

"Lalo na nung nakita kita. Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko!"

Minsan hindi ko alam kung binobola lang ba ako ng mama niya dahil girlfriend ako ni Jace. Sa lahat ng parents ng ex ko na nakilala ko, yan ang sinasabi nila sa akin pagkakita sakin.

"Minsan pasaway yang anak ko, pero sana have more patience with him. He can be sweet if he want to, he is really kind." Tawa niya, "Baka iniisip mo sinasabi ko 'yan dahil anak ko siya.."

"Nako, hindi po." Sagot ko kahit na palagi niya akong inaaway. Fine, reasonable naman ang ibang reasons niya pero kahit na!

Napansin kong mabait ang mama niya talaga. Love na love niya si Jace at talagang maalagain siyang ina kay Jace. She may be strict but it is for her son naman. One thing I realized is that you really can't judge a book by it's cover. Kanina lang iniisip ko masungit at mataray ang mama niya pero nang nakausap ko na siya ay nagkamali pala ako.

Tawa kami ng tawa habang pinapakita niya sakin ang isang album na puno ng baby pictures ni Jace. Mahaba pala ang buhok niya nung bata siya! Mukha talaga siyang babae. Actually, auntie Elena wanted a daughter pala kasi, tapos Jane ang gusto niyang pangalan. That's why Jace ang pangalan niya.

Biglang bumaba si Jace galing sa taas. I wonder what took him so long para makababa dito. Tignan mo 'to! Kung kailan hindi ko na kailangan ng tulong niya tsaka siya nandito!

"Ma, pwede ko na bang bawiin ang girlfriend ko?" Tayo niya sa tabi ko.

Medyo hindi pa ako nakakarecover sa kakatawa sa pictures niya. Tapos dumapo ang tingin niya sa album na hawak ng mommy niya at nanlaki agad ang mata niya bago inagaw ang album!

"Ma! Are you really going to be like this?" Sigaw niya pero nandun pa rin ang respeto. "Why? What's wrong? Pinapakita ko lang naman ang pictures mo."

"Ang cute mo kaya...Jane." Pangaasar ko pa lalo. Humalakhak naman ang nanay niya at kumindat sa akin.

"Halika na nga." He groaned.

"Wait! Can't you see nakikipagusap pa ako kay auntie!" I argued. "Ma.." Tawag niya sa mom niya. Tumawa lang si auntie sa kanya.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now