Project 34

2.3K 47 1
                                    

"Let's break up."

"Nakakainis talaga kung alam--wait, what did you just say?"

There. He got me at 'let's break up' napatahimik ako bigla sa pagsasalita. Halos hindi ko maprocess sa utak ko ang sinabi niya. Ayaw kong iprocess.

Nagkukwento ako sa kanya nang bigla niya ako binabanatan ng break up! If this is a joke pwes hindi ako natutuwa at masasakal ko talaga siya pag nagkita kami. Sana mali lang ang rinig ko pero nang inulit niya ay halos mawasak ang puso ko, kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi naman ako iyakin ever since pero bakit ngayon ayaw na niyang tumigil. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga hikbi ko. Pinilit ko pang ayusin ang boses ko para hindi niya mahalata pero ayaw sumunod ng luha ko.

"Ano? Bakit? Hindi ko maintindihan..bakit?"

Ang dami kong tanong sa utak ko. Just when everything felt so right, bigla nalang ganito.

"We're good, right?"

Ang alam ko okay naman kami, wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya at ganun rin siya sakin, hindi na kami madalas nagtatalo tulad ng dati tapos biglang ganito.

"Let's just..break up. I'm sorry, Viv."

Ang sakit sakit marinig ang mga sinasabi niya. Hindi ko na maintindihan naguguluhan ako. Parang bigla nalang bumagsak ang mundo ko.

Pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag. Hindi ko na rin nagawang magtanong o kaya tumawag sa kanya dahil kahit ako ay hindi ko magawang gumalaw.

Gusto kong isipin na nananaginip lang ako kaya pinilit ko ang sarili kong matulog. Thinking that pag gising ko kinabuksan sasalubungin niya ako ng flowers at sasabihin niyang joke lang ang lahat o kaya naman kasali 'to sa plano niya. Napaaga naman ata ang April Fools niya, e January pa lang.

Falling in love is one of the most exciting, rewarding and scariest things you could ever do. At ngayon ko lang narealized ang huling adjective to describe love. It's indeed the scariest lalo na kung bumitaw na ang isa.

Maaga akong nagising dahil hindi ako makatulog. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako o pumikit lang ako at para hintayin ang text niya o tawag man lang dahil alam kong tatawagan niya ako para mag goodmorning.

Ilan oras na akong nagaantay pero wala akong natanggap kahit text. Tinext ko siya pero wala rin siyang reply. Ayaw ko sana magmukhang desperada pero hindi ko na kinaya at sinubuksan kong tawagan ang phone niya. Hindi niya sinagot ang tawag ko. Sa pangalawang tawag ko ay akala ko sinagot na niya pero boses ng babae ang sumalubong sakin at sinabing unavailable ang cellphone niya. Pinatay niya ang phone niya!

Doon lang nagsimulang magsink in sa akin ang lahat ng nangyari. Walang surprises at hindi 'to joke o isang panaginip dahil totoong totoo ang sakit na iniwan niya. He broke up with me!

Nagsimula nanaman tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan bumagsak. Taksil na luha 'to. Hindi ko na mabilang kung ilan beses akong umiyak simula nang sinabi niyang break na kami. Sumasakit na nga ang mata ko pero sige pa rin sila sa pagtulo.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now