Project 20

3.4K 72 4
                                    

I'm saying nothing pero kanina pa ako nagtataka sa mga kinikilos ng dalawa kong kaibigan. First, they asked me out, tumambay daw kami somewhere kahit milk tea lang or cake. Weird, they never ask me, dahil kung gusto nilang tumambay ay isasama nila ang mga boyfriend nila.

Second, they told me to wear a dress and heels para daw mamaya diretso na kami pumarty. But when I saw them, their outfit is nothing like mine. They are both wearing shorts and t-shirt lang! Tuloy, medyo pinagtitinginan ako ng mga tao.

And thrid, kanina pa sila bulungan ng bulungan like hello, I'm still here, niyaya nila ako pero hindi nila ako kinakausap. Tapos pag tinanong ko kung ano 'yun they will say 'wala'. Now I know why our profs always get mad whenever we say 'wala' when there is really something going on.

"Pinagtritripan niyo ba akong dalawa?" I asked out. Kanina pa kasi kami nandito sa cafe near our condo at kanina pa rin nila ako inisnob.

Nahuli ko pang nagtinginan sila kung sino ang sasagot, in the end si Kate ang sumagot, "No, no of course not! Makikipagkwentuhan lang naman kami ni Pie sayo.." Kunyari pa siyang nagtatampo.

Diba dapat ako ang magtampo dahil hindi nila ako sinasali sa usapan and yet they want to talk?

"Kwentuhan.." Tumango tango pa ako, "Sa apat na oras na nandito tayo, eh kayong dalawa lang ang nagusap tapos kwentuhan?" 

Nginitian lang nila ako sabay nagpeace sign sa akin. Napailing nalang ako sa dalawa. Buti nalang at may WiFi dito kung hindi kanina pa ako umalis.

Tinignan ko ulit ang phone ko at wala pa rin text si Jace doon. May family day siya, e. Naalala ko nanaman 'yung kahihiyan nagawa ko. Matagal na since nangyari ang lahat ng 'yun pero parang kahapon lang lahat!

Akala ko makakalimutan na niya 'yun pero kinabukasan I found him in our condo sitting comfortably in our sofa. Ang mas nakakahiya pa bagong gising lang ako nun and he wanted to talk! So we talked. Nalaman ko na pinsan lang niya 'yung kasama niya palagi, si Aria na akala ko nililigawan niya! Sinabi niya rin kay Aria 'yung pinaggagawa ko at tinawanan nila ako! Magpinsan talaga! Aria is a sweet girl, makulit din siya at mas bata pala siya sa amin ng 2 years.

Sobrang kahihiyan nadama ko non! That's the second time na gusto kong magpalamon sa lupa. He cleared everything that day, said na ako pa rin ang gusto niya.

"Kala mo ba nakalimutan ko na 'yung kasayaw mo?" I spat.

"That's Aria!" Tawa niya, "Ikaw nga kausap mo nanaman 'yung lalaking 'yun!"

Inirapan ko siya. Nakakainis! Palagi nalang siyang may reason at palagi siyang tama. Buti naman this time hindi niya sinabi na pangit si Rev!

So, after that day naging okay na kami. We never had a commitment pero parang kami, wala lang label. I know this is not right pero everytime na magkasama kami, it feels so right. Maybe I'll just need to wait for that day to come.

Nung mag gagabi na ay panay ang lingon nila doon sa labas ng cafe na parang may inaantay. Hindi ko nalang ito pinansin, baka naman kasi sila Kirk lang..

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now