Project 41

2.7K 51 2
                                    

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin kaya naupo ako sa salas namin buong magdamag. Inaantay kong umuwi sila Pie. I need to ask them something.

Ayaw ko naman na tawagan sila at pauwiin kaya hihintayin ko nalang sila. I look at the clock hanging in our living room. 10pm na. Mga 2 hours na akong nakaupo dito pero wala pa kahit isa sa kanila ang dumating.

Ayaw ko sa kwarto dahil baka makatulog ako o kaya hindi ko sila marinig na umuwi. Sumandal ako sa sofa at pumikit. It's okay, I can wait pa naman.

Bigla akong napadilat nang nakarinig ako ng ingay mula sa pinto. Maybe one of them is home. Finally.

"Oh my God!" Sigaw ni Pie nang makita ako habang nakahawak sa dibdib niya.

Nagulat din ako sa pagsigaw niya.

"What are you doing here? Ginulat mo ko!" Aniya habang papalapit sa pwesto ko.

"Ginulat mo din kaya ako!"

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"I'll ask you something. But first, magpalit ka muna ng damit. Kate is on her way para isahan kwento nalang."

Nakasimangot niya akong sinunod. Basta mga kwento or chismis ay laging excited si Pie. Gusto niya kwento agad. Ayaw niya ng nabibitin.

Maya maya ay umuwi na rin si Kate at pinagbihis ko muna siya tapos kumuha ako ng maraming chips sa cabinet at nilagay sa sofa.

Sinabi ko ang lahat sa kanila. Pati ang pagtulong sa akin ni Allen, 'yung 5 steps niya tsaka 'yung nangyari kanina.

Naunang nagreact si Pie sa kinuwento ko. Habang si Kate naman ay pinaprocess pa niya ang mga narinig. 

"I think he still likes you. I know. Trust me. Hindi ko nga alam kung bakit wala siyang ginagawang move. Samantalang pag nakikita niya si Allen halos patayin na niya!" Tawa niya.

"I think so too. Pero Pie, naguguluhan na ako.." I said habang binubuksan ang chichiryang kinuha ko.

Tumahimik siya na parang nagiisip. Kinabahan ako, I don't know what's running in the mind of Pie right now. Madalas kasi ay sasabihin na niya agad ang gusto niyang sabihin. Pero iba ngayon.

"Ganyan ba ang epekto ng love life kay Allen?" Tango ni Kate. "Hindi ko alam na maiisip niya 'yun, ha. Pero 'wag ka masyadong magpamiss, baka makalimutan ka niya!"

"Loka 'to. Pero you think stick to the original plan lang?"

Hindi ko na rin kasi alam, e. After ng nangyari kanina parang gusto ko nang sabihin kay Jace lahat lahat pati 'yung nararamdaman ko. At kung wala na talagang pagasa, I think I need a closure.

"Oo!! Head over heels pa rin sayo 'yung tao eh!" Sagot ni Pie.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon