Project 43

2.5K 57 0
                                    

Kanina pa ako nangingiti habang pinagmamasdan ang lumilingon lingon na si Allen para hanapin ako. Nakakatuwa lang siya tignan dahil parang nawawala talaga siya. Nakita ko pa ngang may lumapit sa kanya na babae tapos kinausap siya siguro tinanong kung sino ang hinahanap niya.

"Talikod ka." Sabi ko at napangiti siya nang nagtama ang mata namin.

May dala dala siyang bulaklak sa isang kamay niya habang ang isa ay hawak ang phone niya. Walang hiya! Ang sweet niya lang.

Nagpaalam ako sa mga kasama ko na pupuntahan ko muna ang isang nawawalang bata sa gitna ng campus pero bago ako umalis ay nakita ko ang pagiwas ni Jace ng tingin sa akin.

"Ang sweet mo naman!"

"Naaawa lang ako sayo kasi baka walang magbigay!" Sabi niya dahilan para mahampas ko siya. Sweet na sana kung hindi na siya nagsalita.

"'Yung ex mo, anong bigay sayo?" Tanong niya habang inaabot sakin ang bouquet. "Wala." Simangot ko.

Sa totoo lang, hindi naman ako nageexpect na makakatanggap ako ng something mula sa kanya. Hindi talaga..bakit naman ako mageexpect 'di ba?

Fine, I did expect. Sa mga pinapakita niya sakin noong nakaraang araw ay nagexpect talaga ako pero wala akong natanggap kahit na 'yung binebenta lang sa cafeteria na chocolate na nasa stick ay wala!

"O, bakit mukha kang nalugi? Okay lang yan," Tapik niya sa balikat ko. "Mahal ka nun..tsaka may binigay naman ako sayo!"

Natawa nalang ako, hindi na talaga magbabago itong si Allen!

"Pero 'wag kang maiinlove sakin, a? May Nicole na ako!" Banta niya habang natatawa.

Napataas ang kilay ko, "Asa pa. May Jace na ako noh? Ano pala binigay mo kay Nicole?"

Nacurious lang ako. Kasi kung ako nga na kaibigan niya ay binigyan niya ng ganitong bouquet 'yung nililigawan pa kaya niya? Sympre kailangan niyang magpagood shot! Nakakapagtaka pa ay kung bakit siya nandito samantalang dapat ay kasama niya si Nicole ngayon.

Hinampas ko ang kamay niya nang ginulo niya 'yung buhok ko, "Secret. Ikaw talaga napakachismosa mo!" At tinignan niya ang oras, "I'll go first, Viv. Mukhang papatayin nanaman ako sa titig ng ex mo!"

Mga tao talaga ngayon mahilig sa secret! Kanina si Kevin secret daw tapos ngayon secret pa rin! Nilingon ko ang pav at nakita kong nakatitig nga sila sa amin. Lalo na si Jace! Parang isang maling galaw lang ni Allen ay susuntukin na niya ito!

Niyakap ko pa si Allen bago siya umalis. It's a friendly hug, wala lang naman 'yon! Pero kung nakatingin si Jace akala mo may ginawa akong masama.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik nang hindi nadadapa! Ang lalim ng tingin niya sakin simula kanina pa. Nanlalambot tuloy ang tuhod ko at pakiramdam ko ay bibigay ito sa kahit na anong oras.

Kung kanina ay iniisip ko kung paano makakabawi sa pangaasar ni Jace ay nawala na ang lahat nang 'yun ngayon. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay umuwi at matulog.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon