Project 18

3.1K 61 1
                                    

I used to hate those people who try to act like we are okay in front of me. Like never kaming nagaway or nagkasomething. I'm sure I had a row with Jace last time and yet ito siya ngayon sa harapan ko tumatawa. Hindi ko alam kung nauntog ba ang ulo niya 'nong gabing nalasing siya at nakalimutan niyang iniiwasan niya ako o ano.

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sakin! Kanina galit ako sa kanya kasi papansinin lang niya ako pag gusto niya. Pag hindi naman iiwasan nalang niya ako basta basta. I was never an option! Pero nawala ang lahat ng 'yun nang narinig ko ang tawa niyang umalingawngaw sa buong kotse.

"What?" Aniya habang tumatawa pa rin. Now, he's amused!

"You looked so cute when you're--"

"I'm not jealous!!" 

"Yeah, okay." He chuckled.

He is enjoying this, huh?

"Isa pa, why would I be jealous?" I sound quite defensive there..

"What? I didn't say anything.." Patay malisya niyang sabi sakin.

Tumahimik nalang ako at itinuon ang atensyon ko sa pagkain ko. Ayaw kong magsalita muna dahil baka kung ano lang ang masabi ko at ipilit na hindi nga ako nagseselos at sabihin pa niyang defensive ako! Hindi naman talaga ako nagseselos kasi naiinis ako! Naiinis ako na nakakaramdam ako ng ganito!

Napapailing siya at ngumingiti sa tuwing magkakatitigan kami! Bakit ba siya ganyan? Ganito ba siya sa lahat ng babae? Ngingitian niya ng ganyan? Ayoko. Gusto ko ako lang ang ngingitian niya ng ganyan! I was never possessive pero nung makilala ko si Jace ay nagiging possessive na ako.

"Don't stare at me like that!" Sigaw ko. "I'm not" Tawa niya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin and I'm getting a little annoyed. Paano ba naman kasi ako makakamove on nito! Halatang halata na nilalandi niya ako! My God!

Ako naman si tanga, eto nagpapalandi rin! Hindi ko lang talaga mapigilan. Promise! Last na 'to tapos magmomove on na talaga ako.

"Sinong katext mo?" Pilit niyang dinudungaw ang cellphone kong iniwas ko kahit na nagmamaneho siya. "Ano ba!" Sigaw ko. Isa pa, hindi naman ako nagtitext! May chineck lang ako, ayan nanaman siya sa pakikielam niya, e.

"Baka 'yung pangit na 'yun nanaman ang katext mo!" Sabi niya habang hindi ako binalingan, diretso lang ang tingin niya pero nakita kong napangiwi siya.

"What?" Sabi ko na may halong pagtataka. I'm not sure if I heard it right, may sinabi ba siyang pangit? "Nevermind.." He then sighed.

Kinulit ko siya sa kung ano ang pinagsasabi niya hanggang sa nakulitan siya sa akin. "Sabi ko, 'yung pangit na kausap mo baka katext mo!"

Nang maisip ko na kung ano ang inaarte niya ay natawa nalang ako bigla. Ang sinasabi niya is nung party na kasama ko si Rev, 'yun ba? Hindi naman pangit si Rev ah. Hindi ko maisip na nanlalait din pala ang mga lalaki. I mean, given na 'yun para sa mga babae pero sa lalaki? I don't know..akala ko talaga sa babae lang applicable 'yon.

The Love Project (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora